ANDREA POV MALAKAS pa rin ang ulan, parang bagyo na kung tutuusin. Zero visibility na kaya wala siyang makita sa labas ng bintana. Napalingon siya kay Randall na kalmadong nakahiga sa backseat at nakapikit. Hinampas niya ang tuhod nito. "Ouch–!" "Paano mo nagagawang maging kalmado sa sitwasyon natin ngayon?" gigil na sikmat niya kay Randall. Kumunot ang noo nito. "May bagyo, anong gusto mong gawin ko? Magtampisaw sa ulan? O, gusto mong humanap ako ng gas station? Kaya kong gawin 'yon, okay lang ba sayo maiwan mag isa rito?" may paghahamon na sabi nito. Napaisip siya. Kung pipilitin nito maghanap ng gas station, malamang malayo-layong lakaran ang gagawin ni Randall at maiiwan siyang mag isa sa kotse, na nasa liblib na lugar. Argh ! Umingos siya. Inirapan ito. Delikado din naman na m

