RANDALL POV YOU DON'T NEED TO MARRY ME.... PAULIT-ULIT niyang naririnig ang mga salitang sinabi ni Andrea sa kanya. Mabilis niyang nilagok ang laman ng bote ng beer na hawak niya. Puyat siya dahil sa magdamag na pagsama sa huling lamay ni Mr. Arturo Manalo na tunay na Ama ni Andrea. Pagkauwi sa condo, imbes matulog ay uminom na lamang siya. Hindi siya pwede sumama sa libing dahil sa mga tao. Marami kasing nakakilala sa kanya sa huling lamay kaya halos dumugin at pagkaguluhan siya. Minabuti na lang niya na umalis upang hindi makagulo sa lamay. Pinapaalis din naman siya ni Andrea, tapos hindi pa siya pinapansin ni Ross kaya masama ang loob niya. Alam niyang galit sa kanya si Ross. Napabuga siya ng malalim na paghinga sabay nailing. Nauunawaan naman niya. Sino bang hindi magagalit sa kan

