Nineteen

1994 Words
Pumarada ang sasakyan ni Kendrick sa bahay nila August. Nag mamadaling lumabas si Sheena at August papunta sa gawi ng sisakyan namin. "Si Paulo? Gago yun." Si August. OH NO! Sounds like a bad idea after all. Lumabas si Dane ng sasakyan, lumabas na rin ako para makita nila na okay kami. Si Sheena agad lumapit kay Paulo. "Akala ko ba? Ikaw hayop ka!" Sinapak sapak niya si Paulo habang ang ibang lalaki ay inaawat si August at binulungan ni Ced. "It's a prank! Ganti ni Ellie sayo yan masyado kasing bungangera" nangaasar si Dane kay Sheena na ngayon ay namumula sa inis. "Oh, wag mo ko titignan ng ganyan. We're even." Sabi ko kay Sheena at niyakap siya. Sumunod naman si Dane sa kanya. "Sorry na bessy." "Parang kulang kayo?" Si Ced. Lumilingon pa sa sasakyan kung may naiwan pa sa loob. "Sino ba kasi hinahanap mo?" Si August naman ngayon ang nang aasar. Hindi naman umimik si Ced at tumalikod nalang. "Iinom ba tayo o lalaklak?'' nakataas ang kilay ni Joms Dumiretso na kami sa may pool area. Nag set up pala sila ng videoke doon. Wow, pinaghandaan. May puro beer ang nandun at ang daming finger foods na pulutan. Kung ano ano ang napag usapan namin habang nagiinuman. Nagtawanan kami hanggang sa mapikon ang iilan. Siyempre hot topic si Sheena. "Ako, tigilan niyo ako ha? Broken hearted ako at wag niyo niloloko." Habang kinukutkot niya ang mga kuko niyang kulay pink. "Sheena Marie, tumigil ka nga at ang harot mo" naiirita na sabi ni August. Hindi sila nagaaway natural lang sa kanila yan eh. "Hoy, ikaw pinagpalit sa tropa manahimik ka ha!" Sigaw ni Sheena. s**t, ayan nanaman yung bigat sa dibdib ko. "Burn bro!" si Joms na tinatawanan si August "Bad burn" si Paulo "Sige, magsimula ka ulit Busted!" Si Dane. Pinanglakihan niya ng mata si Sheena at pinapatigil na "Ikaw tomboy manahimik ka kung ayaw mong mabungangaan ka." Si Sheena naman ang sumagot sa kanya. "Tigilan niyo na nga yan. Wala naman pupuntahan yang pinag-uusapan niyo. Chill lungs!" Pag putol ni Ken sa kanila. "Pero, hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang hindi gusto ni Viviene na yun kay parekoy." Si Ced na naguguluhan din. Hindi naman umiimik si August at tahimim na umiinom lang ng beer. Ano ba yan ulit ulit nalang yong topic na ito. "Kawalan niya yun. Mayaman, pogi, macho, mabango kaya lang antipatiko, snob at masarap daw." Tatawa tawa si Sheena habang inaasar ang pinsan "Oh isang case pa galing sa macho na yan pogi pa." Pang aalaska ni Joms. "Buti hindi ka umiiyak pre? Kaya ayoko ng jowa jowa na yan e." Si Vj "Wala na sa kanya yan. Muhkang nag iiba ang interest ng kaibigan natin e." Si Ken naman na halatang inaasar si August at bahaya nitong sinuntok ang braso niya. "Ako, iniisip ko. Puta, si Michael na yata pinaka tanga na lalaki eh. Nasa kanya na pinakawalan pa. Kung ako yun pinakasalan na kita agad agad." Ngiting ngiti sakin si Paulo. Natawa ako sa itsura niya. Magaan din ang loob ko sa kanya lagi niya akong pinapatawa. "Yeah, the moves ah. Problema niya na yun. May pagkakataon siyang ipaglaban si Ellie pero wala eh." Si Vj "Ako ba hot seat ngayon? Okay na yun. Atleast, I've learned. Masaya na ako kasama ko kayo." Sabi ko sakanila pinipigalan ko nanaman ang emosyon ko na gusto kumawala. "Weh? Okay kana?" Si Joms na nang aasar. "Oo naman baliw. Sa ganda kong to? Joke." "Ikaw naman kasi parekoy eh. Sayo na dati pinaraya mo pa eh. Tanga ka din eh." Mahinang sabi ni Ced. Oo nga naman nasa kanya na si Vien eh dapat nga pinaglaban niya Nagulat nalang ako nang pinaghahabol na nang suntok ni August si Ced. Weird nitong mga ito. Biglang lumapit sa akin sa Dane at may binulong. "May napapansin ako." Sabi niya "Ano yun?" "Kanina kapa tunaw na tunaw sa titig niya." Napapangiti pa si Dane "Sino naman?" "Ayun oh!" ginala ko ang mata ko at nakitang titig na titig sakin ang isang Adonis sa harap ko. Anak ng! Nagiwas siya ng tingin. "I think He likes you!" "Ano ba. Nakiki simpatya lang yan dahil parehas kami ng pinagdadaanan." "Oh, you should have seen him jealous earlier halos bugbugin si Paulo nung dumidikit dikit sayo." "Ikaw, kung ano ano nalang iniimagine mo. Lasing kana ata." Inirapan ko siya "Wait. Watch and see it yourself!" Sabi niya saka niya tinawag si Paulo at nagpabukas ng bote ng beer. Inutusan niyang tabihan daw muna ako ni Paulo at magpupunta siya sa rest room. Si Sheena kasi ay kumakanta sa videoke. Nag kwento si Pau nang mga experiences niya sa trabaho niya na puro palpak at kamalasan. This guy is really a dork! Kung anong seryoso ng itsura niya ganun naman. Sobrang kasing kengkoy yung ugali niya. Tawa lang ako ng tawa na halos maihi na ako. Bumalik din si Dane at nginunguso si August. Napadpad ang paningin ko sa kanya. Kitang kita ko ang dilim ng mata niya nakatingin samin. "The man is jealous already. Muhkang ililibing ka ngayong gabi dude." Binatukan ni Dane si Paulo na tumatawa narin. "Ewan pag naunahan pa ng iba yan bahala siya. Pag ako nabaliw unahan ko siya." Si Paulo. Hindi ko naintindihan ang sinasabi nito. Nakita ko nalang sila na tinatawag nila si August para kumanta sa videoke. Kinakantyawan nila ito. Nag simula na ang pamilyar na kanta. ??Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala nang papalit sayo Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah?? Maganda din pala ang boses niya. Malamig sa pandinig. Nakapikit siya habang kinakanta ito. Halatang may pinagdadaanan.. ??Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik?? Bakit naman kasi pinili nito malungkot na kanta? Ayan ang lungkot ng paligid. Don't tell me umaasa parin siya kay Vi? Hay kawawang lalaki. Tahinik ang lahat habang kumakanta siya. Napansin ko naman si Ced na sobrang lapad ng ngiti sa akin. Parang baliw. Nginitian ko nalang din pabalik. ??Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman Kahit matapos ang magpakailan pa man Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig?? Nagpalakpakan lang kami ng mga kaibigan ko dahil ramdam namin yung kanta. Hindi nga lang pala ako ang nasasaktan dito. Napayuko ako. ??Hanggang kailan pa ba magtitiis, nalunod na sa kaiisip Huling kapiling ka'y sa aking panaginip Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon?? Siniko ako ni Dane at pag tingin ko sa gawi nila nakita kong titig na titig si August sakin. What? Ano ito. Bigla akong na conscious. Wala naman siguro akong dumi sa muhka eh. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. Natapos na ang kanta pero kumakabog yung dibdib ko. Baka epekto lang ng alak na iniinom namin ito. Nagtawanan at nag-asaran ang mga lalaki sa videoke. Wala akong lakas ng loob labanan yung titig niya. Nakakapang hina kaya ako na mismo umiwas ng tingin. Ayoko sa lahat yung mag assume ng mga bagay pero.. There was something in his eyes.. Dala nang alak nanaman siguro ito. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o naiihi lang. Seryoso? Ano tong nararamdaman ko? Naisip kong mag punta sa restroom para matanggal tong haka haka sa isip ko. Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin. "Soon, you'll be fine self!" Ngumiti ako sa salamin at lumabas na ng pinto. Nagulat ako sa mabilis na pangyayari. Naglapat ang labi ko sa labi ng lalaking nasa harap ko ngayon. Parang dinadala ako sa kalayaan ng mga halik niya. Nagpaanod ako sa sensasyong nararamdaman ko. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. s**t! Alam ko mali ito. Tinigil ko iyon at naguguluhang tumingin sa kanya. Dinikit niya lang ang noo niya sa noo ko. "8 years Ellie." Matamis siyang ngumiti sakin pero malungkot ang mga mata niya. "Ha? Anong 8 years?" Naguguluhan kong tanong. Ano bang pinagsasabi nito. Hindi siya umimik. Tinitignan ko parin siya. Naghihintay ako ng sagot. "What? You just f*****g kissed me!" Gulat na sabi ko sa kanya. "I really like you. I'm sorry." Namumungay oa ang mata niyang tumingin sa akin. Nagulat ako sa kaniya. For sure epekto ng alak na iniinom namin ito. Sinabunutan ko siya ng slight. "Okay Na sige na.. Wag ka kasi agad agad nanghahalik diyan buwiset ka. Tara na balik na tayo!" Hinila ko na siya pabalik sa grupo at naka nganga silang lahat habang tinitignan kami. Napalingon ako sa kamay ko na nakahawak sa kanya, tinanggal ko agad yun. Kitang kita ko ang pagtaas ng labi niya sa gilid. Loko loko din itong August na ito!!! Grrr "Oi san kayo galing ha? Tagal tagal." Si Paulo nang aasar lang. "Ohh bagay pala kayo!" Si Kendrick na lasing na "Haha siguro kayo yung meant for each other. Ayiee" nakidagdag pa si Dane "Pota, kung ganyan pala kapalit ng pagiwan sakin ng una kong mahal mas gusto ko na masaktan hahaha" tatawa tawa pa si Paulo. "Shut up dude, wag kana makisali sa kanila" si Vj na lalong inasar si Pau "Bakit hindi nalang kasi kayo? Diyosa at Adonis. Hahaha sana kayo nalang para masaya na kayo. Ayoko na makita si August na malungkot" si Ced na mapungay na ang mata sa kalasingan. Nasapok pa ni Joms "Ayiieeee. Ako ang tulay kailangan magkatuluyan kayo." Si sheena na parang uod na inalibudburan ng asin "I am sure I have my own way cousin. Kaya ko na yun. If ever." Napalingon din ako kay August nang nagsalita siya. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "That's my man!" Bati ni Joms "Wow, so you ship for us ha? Hahaha mga gago!" Natatawa ako sa mga kaibigan ko. Idadaan ko nalang talaga sa tawa ito. Abnormal yung t***k ng puso ko ngayong gabi. Natapos ang inuman at hinatid na nila kami pauwi. Medyo naging open na sila daddy sa mga hang out ko kasama ang barkada. He trust me enough. Kanina habang pauwi kami, hinatid niya kami nila Sheena at Dane. Ako pa ang last na hinatid nila ni Ced. Nagulat nalang ako nang nag stop kami sa 7/11. Sabi ni Ced may bibilihin lang daw. Nakakailang talaga. "About the kiss..." Biglang nagsalita siya at nilingon ko agad. "What about it?" Yun nalang din ang sagot ko wala akong masabi pang iba. "Sorry. I got carried away." "Yeah, that's fine nangyari na eh." "But I love it." Sabay tawa niya. Kinurot ko siya sa braso. Nakakainis. Lalo lang ako nahihiya eh. "Hanep! You fuckboy! So that is how you get your girls?" Pang asar ko rin sa kaniya. Akala niya ha? "What? Hindi no. I don't just kiss and f**k a random girl. Anong akala mo sakin? And I don't f**k anyone so I am not a fuckboy!" He defended himself. Natawa nalang ako. "Really?" Sarap pala asaran nito namumula yung tenga haha. "Of course. That's how bad you think of me?" Nakangiti pero medyo seryoso niyang tanong. "Hindi naman. Sabi lang nila. Well, based on our friends." "For eight years, I was interested with someone I can't have." "So yun yong sinasabi mo kanina? What happened?" "A friend wants her also. So nagparaya ako." MaLungkot niyang sabi Wow. Napakabait naman niya. I just couldn't believe na ganun pala siya sa mga kaibigan niya. "Ang bait ah. Love will be in your favor in time." "Coming from you ha? O sige sabi mo eh." Sabay tawa niya. Dumating na si Ced at hinatid na nga nila ako sa bahay. Wala namang naging problema ang paguwi ko. Naligo lang ako at humiga na sa kama. Gusto ko na ipahinga ang isip ko. Bigla kong naalala ang paghalik sakin ni August. It was so passionate. Nawala ata yung tama ko sa alak. Ano ba naman tong naiisip ko. At anong 8 years sinasabi niya? This man!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD