Seventeen

2033 Words
I am on my third year college now. Mabilis tumakbo ang oras pero ganun padin ang bigat sa nararamdaman ko. Lubog pa rin ako sa kalungkutan ko. Damn, matagal na pero hindi parin ako nakakapag move on. I lost weight, wala na akong gana sa sarili ko. I know na hindi lang dahil kay Mike ito. I think I lost my cousin and Tita Adelle. Nalaman ni tita na ex boyfriend ko si Mike at hindi ko alam kung saan galing yung balita na nakikiusap ako kay Mike na bumalik sakin. Nang minsang inabangan niya ako sa school ay kinausap niya ako. "Chriztelle, I never knew that you would be in a relationship this young. So, you would choose a guy over your cousin?" Galit na sinabi sakin ng mama ni Vi. "No tita, nung nalaman ko wala na kami noon. He broke up with on that day. At wala na akong balak balikan siya tita." Halos isigaw ko ang depensa ko sa sarili ko. Bakit kailangan maging ganoon ang dating sakin ngsalita ni tita. Parang ako pa ang mali. "I hope so, ayoko naman sabihin kay Kuya Rod ito. Please, Let them be Ellie. Nasa iyo na lahat. Buong pamilya mo, may pera kayo matalino ka at maganda. Do not settle for less. Usapan na namin ito dati pa. Wag lang sana may g**o pa dahil dito Ellie." Pakiusap ni Tita Adelle sakin. I wouldn't do anything para pagilan sila. "Tita, tapos na kami. Mahal ko si Vien and I understand everything. Don't get me wrong I am happy for her." Tumalikod na ako dahil hindi na kaya ng puso ko. Nag diretso ang mga luha ko. "If you really care for her, Ikaw ang unang makakaintindi nito Ellie. Stay away from them please." Habol pa niya habang naglalakad ako. "Yon ang nangyayari. Bakit parang ako po may kasalanan? They already remove me from their lives tita. I will do the same." Sinasabi ko habang umiiyak. "Bastos ka. Sumasagot ka pa. That is the reason why I never liked you anyway. You don't deserve the life you have now. Swerte ka lang. Inagaw mo lahat ng para kay Vien. Try to meddle sweatheart, I'll make sure this time babalik ka pinanggalingan mo." Galit na galit siya sa akin. Wala naman akong maalala na ginawang masama sa kaniya. Wala rin akong inaagaw sa anak niya. Sobra na ito. Bakit kasalanan ko nanaman. Tumakbo ako sa pinaka malapit na CR pang babae. Nang makapasok ako sa isang cubicle, dun ko binuhos lahat ng sakit. Mas masakit na kay tita ko pa mismo narinig yung mga salita na yun. Nang mapagod na ako, binuksan ko ang pinto ng CR at tumambad sa harap ko si Tom. Nag aalala siya sa akin. Niyakap niya ako at bahagyang napawi ang sakit na naramdaman ko dahil alam kong may masasandalan ako. Malapit lang pala siya samin ni tita kaya narinig niya kami sa pagtatalo namin at sinundan niya rin ako sa pagtakbo ko. Inaya ako ni Tom sa isang Ice cream parlor near our university. Sabi ni Tom pag may worries siya, Ice cream ang comfort food niya. Sumama nalang din ako para subukan nga. Minsan kasi weird tong lalaking ito e. While checking out the flavors, May namataan ako sa hindi kalayuan na nakamasid sa amin. Lumabas ako ng shop at nagulat ako ng may humigit sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita kung sino ito. "Ano ba? What do you want?" Kailangan ma control ko yung sarili ko. Kailangan ko maging matigas kahit ngayon lang. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko kaya lalo akong nainis. Akmang aalis na sana ako, lalo niya pa ako hinila sa may madilim na parte ng shop para hindi kami makita ng mga customers doon. "Michael, ano ba may kailangan ka ba? May order kasi ako sa loob." kaswal na sabi ko sa kanya "I'm sorry Ellie. I'm really sorry. Mahal na mahal kita" nanginginig na ang boses niya na parang iiyak na, nilingon ko siya pero nakapikit siya habang naka yuko. "Umuwi kana. For sure, hinahanap ka na ni Vien." Pinipilit kong wag umiyak pero nanginginig na ang labi ko. "Ellie, come with me tonight please." "Sira ulo ka ba? Go home! We are done Mike as you say. I held on to that." Nakakagago tong lalaking to. "I'm so sorry Ellie. Aayusin ko lahat ito. Come with me please." Nagsusumamo siya. Hindi niya na pinansin yung mga tao sa likod niya. Nang agawin niya ang kamay ko narinig ko nalang si Tom sa likod ko. "Pare, let her go. Muhkang ayaw sumama, bitawan mo na." Galit na sabi ni Tom kay Mike "Ellie" "Kapal naman ng muhka mo magpakita pa dito." Si Tom. Hawak ko siya sa braso. Ayokong mag away sila. "Umuwi ka na. We have to go." Malamig na sabi ko kay Mike. Tinalikuran na namin siya. Hindi ko na rin tinignan ang reaction niya. "What the hell was that?" Sarkastikong sabi niya sakin Nagkibit balikat ako, hindi ko naman talaga alam bakit nagpunta siya doon. Ayoko na ng g**o. May parte sakin na gustong sumama pero alam kong bawal na. Ayoko nang ganito. "Are you okay?" Napapansin niya sigurong wala ako sa sarili ko. "Yeah, I guess so. I don't understand. Naguguluhan ako." "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. "He broke up with me pero kitang kita ko yung sakit sa mata niya kanina." Which is true. I saw him hurting too, it makes me want to hug him. "Please, wag mo sabihin umaasa ka pa?" Nakataas ang mga kilay niya at halatang naiinis siya. "Hindi. Hindi na pwede." Tinakpan ko ang muhka ko para makawala nanaman ang mga luha ko. "Buti alam mo. Give it a break Ellie." Halatang pikon na sabi niya sakin Tinapos na namin ang meryenda at pauwi na ako sa bahay. Tama nga si Tom, kahit papaano Ice cream relieved all the worried in me. This day is just so annoying. Nang pauwi ako, Naalala kong may project nga pala ako so kailangan ko pumunta ng National Bookstore para bumili ng mga kakailanganin ko. Habang nasa mall ako, I bumped into someone at inis na pinulot ang gamit ko sa sahig ng mall. Pag angat ko ng tingin naka kunot ang noo nito sakin. "Sorry miss cry lady, pre occupied ka nanaman yata nagkabungguan tuloy tayo. Let me help you" tinulungan niya ako tumayo "Thanks. I gotta go. Sorry may hinahanap lang ako." Akmang aalis na sana ako para bumili ng gamit ko. "Tao o bagay ba yan?" The he smirked "Bagay. Mga kailangan ko sa projects ko." Medyo napataas ang kilay ko. "Oh, I see. Parang lagi na tayong nagkikita ha. Is this coincidence or.." nanunuya siyang tumingin sakin habang nakangiti "Or what? Hibang ka yata." Natawa ako sa lalaking ito. May sapak yata ito e. "Masasabi kong hibang nga ako pag ikaw na ang hinahanap hanap ko hahahaah" saka siya pumalahaw ng tawa. Abnormal nga ata tong kaharap ko. "Whatever mister. Makaalis na nga." Tinalikuran ko na siya. Nakakainis. Ang feeling niya naman, akala ko pa naman mabait ito kahit papano. Nagkamali yata ako. Nabili ko na lahat ng kailangan ko at masaya akong umuwi dahil naexcite ako gawin ang project na ito. Magandang paraan ito para madivert ang mga iniisip kong hindi naman importante at makakasira lang ng araw ko. 2 lang subjects namin ngayon pero I felt so tired. Na drain ako sa mga nangyari. Nakauwi ako sa bahay ng nakita ko si Kuya Rye na tahimik sa sala. "Hi kuya!" I smiled genuinely at him "Bakit ngayon ka lang?" Medyo seryoso niyang tanong sa akin. "Kuya, dumaan ako sa mall bumili nito para sa projects ko." "I see. Sabay na tayo mag dinner." "Okay, bihis lang ako." I immediately went to my room para maligo at makasabay ko si Kuya kumain. Pag baba ko, dumiretso na ako sa kusina para mag hain ng pagkain namin ni kuya. Dalawa lang kami sa bahay ngayon kaya siguro muhka siyang malungkot. I wonder why? Tinawag ko siya sa living room para ayain siya na kumain na. Agad naman siyang sumunod sakin at umupo na sa lamesa. Nanatiling tahimik ang mood ng hapag kainan. "Kuya, uhh, may problema ba?" Kinakabahan kong tanong kay kuya pero gusto ko malaman kung ano ba iniisip niya. "Sakin wala Ellie. Why?" Sagot niya habang nakatingin sa akin. "Wala naman kuya, parang malungkot ka ngayong gabi. Hindi ako sanay. Ang sarap pa naman ng ulam tapos ang gwapo mo sa bagong gupit mong buhok. Haha" biro ko sakanya. I am trying to make the situation light pero parang walang epekto. "Ikaw Ellie, may problema ka ba na hindi sinasabi samin? Kahit sakin nalang." Nataranta ako sa sinabi ni kuya. May alam kaya siya? s**t! Hindi ako handa masyadong mabigat pagusapan. "Hindi. Wala. I mean wala naman kuya." Saka nalang ako ngumiti sa kanya. Hindi na siya umimik at nagpatuloy nalang sa pagkain niya. Kumain nalang din ako. Natapos kami ay niligpit ko na ang kinainan namin. We can afford maids kahit ilan pero si mommy ayaw. Mahirap daw magtiwala. Ayaw niyang mangyari yung nakaraan na nagnakaw yung dati naming mga kasama sa bahay. Paakyat na sana ako ulit sa kwarto ko nang tawagin ako ni Kuya Rye. Makakatay yata ako ngayong gabi. Pumunta ako sa direksyon ni kuya. Umupo ako sa couch kung nasaan siya. May mga bote ng beer sa harap niya ngayon. Ano ba ang problema nito. Kinakabahan na ako! "Kuya, bakit naglalasing ka?" "Ellie, hindi ko alam hanggang kailan mo balak itago yang problema mo na kinikimkim mo." Sobrang seryoso niya. "Kuya wala naman." I tried to fake it. Ayoko ng confrontation na ito. "Kapatid kita at alam na alam ko kung anong meron sayo. I know when you have your period, your grumpy and bitchy. Pero ito Ellie, it has been months now. Keep lying to me, baka tuluyan ako magalit sayo." Sabi ni kuya habang tinungga niya ang bote. Inabot niya rin sakin ang isa pang bote ng beer. Hindi ko na siya tinanggihan. "Kuya, may bumabagabag lang sa utak ko. I can handle this. Ako pa ba? " I gave him a reassuring smile. "You can't fool me Ellie. Halos ako kasama mo sa paglaki mo." "Kuya, wala nga. Ikaw ata ang may problem eh. C'mon tell it to me." Tinabihan ko siya at inakbayan. "What the f**k! You're Mike's freaking ex-girlfriend tapos fiancé niya si Vien ngayon. May ililihim ka pa kasi napipikon na ako sayo." Ramdam ko na ang galit ni kuya kaya agad nagtubig ang mga mata ko. Ayoko ng galit siya at isa pa kinakabahan ako. Boom! I lost it. Alam niya na. Ililihim ko pa ba? s**t! Biglang sumikip ang dibdib ko. I better tell him. Mas lalo siyang mahagalit sa akin pag nilihim ko pa ito. Tuloy-tuloy na ang pag iyak ko sa harap niya. Hirap na hirap ako pigilan ang luha ko. Una, alam kong galit si kuya at disappointed siya sa pagsisinungaling ko. Pangalawa, nasasaktan parin ako talaga. "I-Im sorry kuya sa nagawa ko. Sandali lang naman kami hindi nagtagal. Sorry kung nag boyfriend ako." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sakin na nakapag pagaan ng pakiramdam ko. "Baby, hindi ako galit dahil nag boyfriend ka, nagalit ako kasi pati sarili mo niloloko mo. Alam kong may problema ka pero hindi mo sinabi sakin? You can't trustme enough?" Biglang umamo ang kaniyang muhka. "Hindi sa ganun, kuya. Gusto ko kasi sarili ko lang para wala akong naiistorbong tao." "Kailan ka pa ba naging storbo sakin? I really can't believe na nangyari ito sayo. Ikakasal na sila." Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ano magiging reaction ko dito. I am in deep pain. "Sana sakin nalang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Do you feel like fighting for it?" "Never. Kuya, I love tita Adelle and Vi." "You are now a grown woman. Everything has a reason believe me. For now feel the pain until you feel numb. Accept it, move on. We are here for you." "I will. Thank you Kuya" He hugged me tight to ease the pain. Pasalamat nalang ako dahil may kapatid ako na mapagsasabihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD