1

2222 Words
The spotlights followed her every step as she owned the runway with effortless confidence. Tumatagaktak ang tunog ng kanang taking sa makintab na sahig. Six inches high, yet it felt like she was walking on air. Ang husay niyang nadala ang bagong brand ng rising designer na si Ambrey Estandntm, na ngayon ay unti-unti nang sinakop ang international market. She wore the brand like it was hers. The crowd didn’t just watch…they stared. Some in admiration, others in envy. Isang eleganteng ikot. Her hair flowed like silk, catching the light with every movement. Nasamyo pa niya ang bango ng ginamit na shampoo. It was clean, soft, almost intoxicating. For this campaign, her hair was let loose, framing her face perfectly, completing the ethereal image the brand wanted to capture. Paglingon niya sa backdrop, nakita niya ang sarili sa malaking LED wall. Her campaign ad playing on loop. Flawless. Untouchable. Siya ang mukha ng brand. Soon, her face would be everywhere. “Congratulations!” Ambrey mouthed. Nangingislap ang mga mata. Tila mas maaliwalas pa kaysa sa LED wall na nasa likuran ng kinatatayuan nito ngayon. His entire expression screamed on one thing: success. She did one hell of a job tonight, that’s for sure. “I am more than ecstatic, Stacey.” Maluwang siyang niyakap ni Ambrey at bineso matapos iabot sa kanya ang bouquet ng tulip. “Did I do well?” “Well? More than well. You were great, girl.” Ilang rampa na ba ang nalakaran niya pero lihim pa rin siyang humihiling ng validation ng iba. “Come on girls, come out fast!” Sinenyasan ni Ambrey ang iba pang modelo na lumabas ng stage. Sabay-sabay na nag-click ang mga camera. Habang nakangiting nakatutok sa unahan, sinikap niyang hanapin sa audience ang kaisa-isang mukhang gusto niyang makita. Her spirit fell. Farris wasn’t around. Bakante pa rin ang dapat sana ay nakalaang upuan nito. Work kept them apart lately. Miss na miss na niya ito. Babawiin na sana niya ang paningin nang mabaling ang paningin sa ina. She was seated like a royalty. Seryoso lang, pero makikita sa kislap ng mga mata ang hindi maitagong pagmamalaki. She couldn’t help but be happy as well. Kapag nakikita niya kung gaano ka-proud ang nanay niya, nasasabi niya sa sarili na worth it ang lahat ng pagod, ng sakripisyo. At least, she was living her mother’s dream. Bahagya niya itong nginitian at kinawayan. All she got was a simple nod. That’s her mother. Minsan malamig at kadalasan, istrikto. Ang work ethic niya, sa ina niya natutunan. For as early as she could remember, she was raised in a household full of discipline. Matapos ang fashion show, lifestyle at entertainment press naman ang hinarap nila. Nakaupo siya katabi ni Ambrey, nakangiting sinasagot ang mga tanong, pero sa totoo lang, gustong-gusto na niyang takasan ang event. Wala pa siyang maayos na pahinga. Ang tagal natapos ng photoshoot kagabi para sa isang clothing line naman. She so looked forward for a cold shower and a long hour of sleep. If only nasa tabi niya si Farris, ipagluluto siya nito ng masarap na hapunan. ‘Yong katabi lang ito at magkahawak ang mga kamay at nag-uusap ng kung anumang random na mga bagay. Not with all sorts of people and attention. Sa bawat hakbang niya patungo sa naghihintay na sasakyan, nakasunod pa rin ang kislap ng mga camera. Later tonight, naka-plaster na naman ang mukha niya sa mga online portals. “Thankfully.” The feeling of suffocation subsided. Para siyang nakulong sa sariling mundo habang nakaupo sa tinted na sasakyan. Almost. But not until she would hear what her mother had to say. Bilang tumatayong manager, ito ang ang nagdidesisyon sa daily activities niya. “Can I go home now, Mom?” pakiusap niya sa ina na pormal lang na nakaupo sa tabi niya. Bahagya lang itong lumingon ang ina sa kanya. Maternal warmth was missing. “Drive home, Damian.” At least, pumayag ito. Bumuga siya ng hangin, sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata. Mahuhulog na talaga ang eyeballs niya. Habang nakapikit, rinig niya ang pag-uusap ng ina at ng personal assistant na si Rhoda na nakaupo katabi ng driver. Umiikot sa schedule, next photoshoot, cut sa mga deals at contracts ang usapan. Nakakarindi sa totoo lang, but knowing her mother, dapat plantsado ang lahat. “Nasa email na po ang details, Miss Camila.” “Good.” Nang makarating ng bahay, agad siyang umakyat sa silid at nagbabad sa tub. “Finally.” Ilang minuto rin niyang in-enjoy. She stepped out of the bathroom with only a towel wrapped around her curves. Nagpupunas siya ng buhok buhok nang tumunog ang phone na nakalapag sa kama. Farris calling. Umigpaw kaagad ang puso niya sa excitement. Mabasa pa lang ang pangalan nito sa screen, para nang nalulunod ang puso niya sa tuwa. Parang nawawala sa poise na mabilis niyang dinampot ang phone at inilapit sa tainga. “Hi, Hon,” malambing niyang bungad sa kasintahan. “Done for the day?” Mas naging matamis ang ngiti niya nang sa wakas ay marinig ang boses nito. Baritone, sweet. She missed him dearly. “Thankfully, yes. Nakiusap ako kay mommy na umuwi na.” “So you missed the fun?” “Ughh! You know I hate parties.” Umupo siya sa harap ng tokador at nagsmulang suklayin ang kanyang mahabang buhok. While looking at her bare face in the mirror, she felt that sense of identity. Siyang-siya ito. Walang makapal na make-up, nakalugay lang ang buhok, hindi nakasuot ng glamorosong mga kasuotan. And that smile. Only Farris could make her happy like this. Genuine happiness. Sincere smile. “How’s your meeting at Shenzen?” A pause, then a quiet chuckle. “You remembered. I barely mentioned Shenzen.” “You know naman, I always pay attention to everything you say, my love.” Umahon siya sa upuan at mas piniling maupo sa edge ng kama. Itinaas niya ang kaliwang binti habang nakalapag lang sa sahig ang kanan at buong bigat na isinandal ang likod sa headboard. Wala namang camera, she can be whatever she liked. “I’ll be home in a few days,” he said. “Pwede mo ba akong isingit sa schedule mo?” That was the thing about Farris. He was never imposing. Lagi nitong hinihiling ang opinion niya, laging tinitimbang kung kailan siya makakasingit sa busy schedule niya. Lean made her feel grounded. He was steady in a way that made everything else feel manageable. With him, life didn’t demand constant control. Mas na-miss niya tuloy ito. “Dad’s already asking if you’re coming to dinner again.” Napangiti siya. Excited siyang makita ulit si Tito Anton. “Hon, hindi mo kailangang humingi ng permiso para makita ako. Pagdating sa’yo, I’ll always make myself available. Besides, na-miss ko na ang luto ni Tito.” She heard a soft chuckle. “I think he misses you more. Mukhang ikaw nga ang anak at hindi ako. Mas kinukumusta ka pa kaysa sa akin.” She smiled, softer this time. With Tito Anton, nahanap niya ang katauhan ng isang ama na wala sa buhay niya. “Just come home, Farris. Miss na kita.” “Mas miss kita.” Nakagat niya ang ibabang labi at basta na lang tumihaya nang tuluyan sa kama. Yakap niya ang malambot na unan at iniisip na si Lean ang kayakap. “I love you, Stace.” The words came easily. Naturally. Like something she had never needed to question. “And I love you too, Farris.” Medyo napahaba ang usapan. The call ended, leaving behind a quiet warmth that settled in her chest. Nawala na sa kabilang end ang boyfriend pero nakatitig pa rin siya sa kisame na parang tangang nakangiti. “Stacey.” Napalingon siya sa may pintuan at dali-daling umayos nang makita ang ina. Camila was holding a tablet and a look she knew all too well, half excitement, half expectation. Subalit napalitan ang ekspresyon nang makita ang ayos niya. Kahit nasa bahay lang, dapat ay poised palagi. Isa sa mga trainings ng nanay niya. She was never allowed to slouched, not when her mother was around. Naupo ang ina sa couch at nagsalita lang muli nang makitang maayos na ang upo niya. “There’s a new project. International.” Naglakad ito palapit sa kanya habang may ini-scroll sa hawak na iPad. “Big campaign. Luxury brand. They want you as the face.” Nag-rumble sa utak niya ang schedules. Ang dinner na ipinangako niya kay Lean at itong bagong project. Sana, hindi mag-overlap. “Where, Mom?” “Paris.” “When?” “Next week.” Natahimik siya. Pinagkrus naman ng ina ang mga braso sa dibdib at tinitigan siya. A slightest hint of hesitation was something her mother would dread. Lagi nitong sinasabi, hindi habangbuhay na sikat siya, na hinahanap siya bilang commercial model. Na yayakapin niya ang lahat habang mabenta pa ang image niya. “I haven’t got a breather yet.” Halos hindi pa siya nakakahinga sa sunod-sunod na commitments. “They’re moving quickly. And,” she glanced at her, measuring, “they specifically requested you, someone not too western and not too Asian. Consider that a diamond in the mud. With your status right now, work is a breather.” As always. Pag-angat niya ng tingin, nakita niyang nakatutok ang mga mata ng ina sa nakakalat niyang handbag sa couch. Hindi niya na nagawang ipasok sa walk-in closet kanina. Pinakaayaw nito sa lahat ay ang maratnang makalat ang silid. Perpektong nasa ayos dapat ang lahat. “Can I see the details, Mom?” Para malipat ang atensyon nito sa ibang bagay. Ibinaba ng mommy sa tabi niya ang iPad. May nakabukas nang email doon. “I have already checked the details but go over with it.” Sinimulan niya namang basahin ang project brief nang mag-isa. Specific location. Petsa. “Five days.” Napabuntong-hininga siya habang binabasa ang itinerary, mula sa arrival hanggang sa pinakahuling gagawin. No need to bring a glam team, the company will provide. Dumako ang tingin niya sa pangalan ng creative director. Kilala sa larangan ng fashion. Naktrabaho na dati noong nagsisimula pa lang siya. Dumiretso ang mga mata niya sa pangalan ng photographer na makakasama. “Drake Aragon,” mahina niyang basa. Kumunot ang noo niya. “Drake Aragon,” ulit niya pa sa mas malakas na boses. “Drake.” The name meant nothing to her. And yet, for reasons she couldn’t explain, her fingers paused over the screen just a second longer than necessary. “My cousin works as a photographer. I don’t know what specialization but he’s quite good. Ginagawa niya for fun.” Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lean. Could this be the same person? Ni wala siyang alam sa portfolio ng pinsan ni Lean. Sana naman hindi. Ewan pero parang may nag-uutos sa kanya na alamin. Before she knew it, tinipa na niya ang pangalan nito. May maikling artikulo pero walang mukha. He was originally into landscape photography until he ventured into high fashion. Hinanap niya ang mga take nito. Ang gaganda ng mga kuha, very professional. She dug deeper. Ayaw niyang huminto hanggang hindi napapatunayang mali ang naiisip, hanggang sa dinala siya sa isa pang artikulo. Sa wakas, may mukha. Doon tila nalaglag ang puso niya. Drake Aragon and Farris' cousin are one and the same. She can’t work with him. Draco had been nothing but a pain in the ass. Sa iilang pagkakataon na nagkukrus ang mga landas nila, ramdam niya ang animosity nito sa kanya. Sinubukan niya namang maging friendly sa lalaking ito pero hayagan ang pag-ayaw sa kanya. Ngayon pa lang, namumrublema na siya. This man will definitely make her next five days in Paris into hell. Umahon siya sa kama at nagmamadaling pinuntahan ang ina. Nasa silid ito, nakaupo sa harap ng dresser at kasalukuyang nagtatanggal ng earrings. “What now?” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Can we say no?” Namayani ang mas malakas na kabog sa dibdib niya habang hinihintay ang isasagot ng ina. “What’s the catch?” Nahirapan siyang maghanap ng dahilan. “May…may mga naunang commitments pa naman ako, ‘di ba?” Nakaangat na ang isang kilay ng ina. “The answer is no. I already signed the contract.” Tuluyang humarap ang ina sa kanya. Pinag-ekis ang mahahabang mga binti at tinitigan siya na para bang nasa casting call lang. Everything about her mother had in mind was business. That included her. “Wala ka na bang sasabihin?” Napatungo siya sa hawak, sa mismong pangalan ni Draco. Paano ba niya sasabihin na ayaw niyang makatrabaho ang mismong pinsan ni Lean? Na kapag nasa paligid ito, para siyang naglalakad sa latag ng eggshells. And that one time when… “I’m tired, Stacey.” It was a cold dismissal. Wala siyang nagawa kundi ang iwan ang hawak at lumabas ng silid. Once her mom made up her mind, that would be final. What is five days max, Stace? Pangungumbinsi niya sa sarili. Kakayanin. This is pure work. Hindi naman nila kailangang maging magkaibigan ng pinsan ni Lean. She composed herself. Naglakad pabalik sa silid at ibinaon sa tulog ang pag-aalala. She just hoped that a miracle would work on her favor the morning she’d wake up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD