Hindi na ulit ako nag-message sa kanya. Basta alam kung gumising siya masaya na ako don. Kung babalik man siya o hindi na, masaya pa din ako. Hindi naman dahil sa hindi ko na siya mahal or ano. Sadyang ang tanging hiling ko lang naman ay magising siya sa bangungot na ako ang nagbigay sa kanya. "Ate, ang ganda ganda mo.." Masayang sabi ni Kimmy. Unang araw ko kasi ngaun sa isang malaking airlines. Natanggap kasi ako bilang flight steward. Natuto na akong mag-ayos ng sarili, kailangan kasi iyon para sa trabaho. Inayos ko ang scarf ko at ngumiti din kay Kimmy. "Maganda ka din, Kimmy. Mag aral ka mabuti para someday, maging katulad din kita." Natigilan ako ng yumakap sa akin si Kimmy, nakangiti kasi siya kahit mangiyak ngiyak. "Ate, alam mo bang sobrang proud ako seyo? Gusto ko makahanap di

