Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Pero alam kong liblib ang lugar dahil tahimik. Talagang hindi pa din ako makapaniwala na magagawa niya ito. Bakit? "Nasaan ba tayo? Sabi ko naman sa inyo na wala kayong mapapala sa akin." Pilit pa din akong kumakawala. Ngumiwi pa nga ako ng hatakin ang buhok ko. Talaga naman! Sino ba sila para ganituhin ako? "Wag ka ngang madaldal!"halos masubsob ako ng ibalibag ako bigla. Nanginginig ako ngaun, may piring pa din kasi ang mata ko kaya nakaramdam ako ng kaba. "Tanggalin niyo na ang piring niya." Halos tumayo ang balihibo ko ng magsalita ulit siya. How come? Hindi ko ineexpect na magagawa niya ito sa akin. We were bestfriends. Ano ang kasalanan ko sa kanya? Nang matanggal ang piring ko ay unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Pumikit pa nga ako

