"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Trixie. Tuluyan ng dumami ang tao papasok ng auditorium. Iniisip ko pa din kung bakit pinalayo sa akin ni Glen si Trixie. Kailan pa? Ngumisi si Trixie. Yung ngisi niya na parang ang saya-saya niya. "Pumasok na tayo, Julia.." nakangiting sabi niya. Nagtataka man ako ay pumasok nalang ako sa loob kasama siya. Nilibot ko pa nga ang paningin ko para hanapin kung nasan si Glen. Medyo kumalma kasi ako kaya parang nagsisisi ako na sabihin ko na hate ko siya. Yes, I hate him. Pero mas mahal ko siya. Nasasaktan lang kasi ako sa nangyayari ngaun. Wala naman kasi akong maintindihan. Bigla bigla nalang diba? Puro pasaring ang nangyayari sa akin. Bakit hindi nalang kasi ako diretsuhin para maintindiham ko. Mahirap ba iyon? Umupo kami sa pinaka unang row sa auditor

