Para akong namatayan ng mga sumunod na araw. Kung hindi ako nagkukulong ay nakatitig lang ako sa kisame. Sakto naman na sembreak ngaun. Mabuti naman. Kasi wala akong lakas na pumasok. Ilang araw ko na din pina- iisipan na lumipat nalang sa ibang university. Kaya lang naisip ko mag uumpisa na naman ako. Tsaka sayang yung scholarship ko. Uugh! Nakakafrustrate talaga ang buhay ko. Nakakatawa lang, dati naman never ako nafrustrate sa buhay ko kahit mahirap ako. Pero itong sakit ng puso ko? Hindi ko alam na ito pala ang magpapahina sa akin ng ganito. Apat na araw na. Hindi din ako pumapasok sa shop ni Dom. Naiisip ko nga baka tinanggal na niya ako. Umupo ako sa tapat ng bahay namin. Nakatulala akong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Ganito ako noon. Masaya, walang problema. Minsan ang

