Hingal na hingal ako matapos kong paslangin ang huling halimaw na ang tawag pala ang Rosia. Napaupo ako sa parang ng mga rosas habang napapangiwi dahil sa sakit at hapdi ng mga natamo kong sugat at galos mula sa pakikipaglaban sa kanila. Nang lingunin ko si Clastine ay ganoon din ang sitwasyon niya. Mas marami pa nga itong natamong galos kumpara sa akin dahil siya ang lumaban nang malapitan sa mga halimaw. Naglulutangan sa paligid namin ang mga kulay berdeng orb. Nang hawakan ko ang isa sa kanila at ilagay sa inventory ay agad na rumehistro ang impormasyon tungkol dito. Vine Orb - an orb that can be obtained by slaying Rosias. It grants its user an ability to generate and manipulate vines for fifteen seconds. “Sa wakas natapos din!” bulalas ni Clastine bago niya ibinagsak ang kanyang

