Narrator’s Point of View Hindi kayang paniwalaan ng mga mata ni Faunn ang kanyang nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano patumbahin ni Leo ang isang demeian nang walang kahirap-hirap. Sa tingin niya ay nagamit na ng lalaki nang husto ang divine energy sa katawan nito. Ramdam niya kasi ang pagtaas ng lebel at antas ng enerhiya at kapangyarihan nito. Masaya man sa nagawa ng lalaki, hindi niya pa rin maiwasang mapatanong kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pagkakaroon nito ng enerhiyang likas lamang sa mga diyos at diyosa. Hindi niya alam kung papaanong nagkaroon si Leo nito gayong isa lamang itong normal na mortal. Minsan naiisip niya na baka isa itong mortal na may biyaya ng diyos, dahil may mga pagkakataong nawiwili ang isang diyos sa isang mortal kung kaya’t binibigyan niya ito ng

