Narrator’s Point of View Paulit-ulit ang pagmumura ni Leo habang pilit na iniiwasan ang mga atakeng ibinabato sa kanila ng hydra. Pansin niya na sa bawat atake nito ay palakas nang palakas ang bawat impact nito. Hindi naman niya magawang umatake pabalik, dahil tila wala itong epekto. Only elemental attacks using lightning orbs seem to be effective towards the monster. Other than that, it was nothing. It cannot even leave a single scratch on its silver scales. Isang malakas na mura ang kumawala sa kanyang bibig nang direktang tumama sa kanya ang atake nito. Tumilapon siya sa lakas ng impact at nagpagulong-gulong sa mamasa-masang damuhan. Napangiwi siya nang mariin nang maramdaman ang hapdi at sakit ng kanyang mga sugat at galos. Ramdam niya ring tila bugbog na ang kanyang katawan mula

