Leo’s Point of View Nakatitig lang kami sa forging orb na nasa gitna ng tubig. Hindi namin alam kung ano ang gagawin lalo na’t wala kaming alam kung nasaan nga ba ang siren na kani-kanina lang ay muntik na kaming mabiktima . “Lalapit ba tayo?” tanong ni Clastine na inihahanda na ang kanyang items sa inventory. “Sayang din ang pagkakataon na makapag-forge tayo ng items na nakolekta natin magmula nang makarating tayo sa Hidra,” dagdag niya pa bago kami binalingan. Agad akong umiling sa sinabi niya. “Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa oras na lumapit tayo riyan,” tugon ko bago siya tiningnan sa mata. “Baka isa lamang ‘yang patibong ng siren para mabiktima tayo.” “Wala namang siren sa paligid, eh,” sambit ulit ni Clastine bago binalingan si Amara. “Anong masasabi mo, Amara?” “Ba

