Leo’s Point of View Isang malakas na mura ang pinkawalan ko nang kamuntik na akong matamaan ng isang matulis na bato na mula sa isang gnome. It’s a feet-tall monster with long, pointed ears, and round fluffy nose. Kahit na maliliit lang ang halimaw na ito ay nahihirapan pa rin akong labanan, dahil liban na grupo-grupo sila kung kumilos, may kakayahan din silang gamitin ang elemento ng lupa. They can fire earth shards that shoot like bullets. “Leo!” pasigaw na sambit ni Clastine bago siya mabilis na lumapit sa akin para salagin ang isang earth shard na hindi ko napansin. “Salamat,” nakangiti kong sambit sa kanya bago ibinalik ang focus sa mga kalaban namin. Nagsisimula na akong mairita dahil ang liksi nila. May advantage pa sila dahil nasa masukal na gubat kami. The vines around th

