Dahil sa sinabi ni Reagan sa kanya ay hindi niya maiwasang mapaisip. Isa sa mga kapatid nito ay kasabwat ni Arthur. She doesn't have any idea who could it be among the brothers. Hindi niya naman masyadong nakakausap ang mga ito. Si Gavriel lang ang tanging nakausap niya sa party noon. Hindi na niya nakausap ang ibang mga kapatid ni Reagan ngunit sa pananatili nila sa Fortress ay nakakabisado na rin niya ang mga ito. Ngunit hindi iyon sapat para matukoy niya kung sino sa kanila ang traydor. Reagan was sure about it though. He has told her about what to do to catch the traitor and she must admit that it was a clever idea. "Sigurado ka ba sa gagawin natin?" tanong niya rito. Nakaupo na ito sa silyang naroon habang siya naman ay nakatayo at nakasandal sa pader. Nakiikita niyang hindi madali

