Kabanata 5

1178 Words
Napabangon si Uriel sa kama nang marinig ang katok sa pinto. Inayos niya ang sarili kung saan nakasuot na siya ng bagong damit na dinala ng kasambahay kanina. It was a plain satin dress. Nakalugay din ang mahaba n’yang buhok na kanina pa tinuyo gamit ang hair blower. Binuksan niya ang pinto at nabungaran ang lalaking halos katangkad ni Alexiel. Hawak-hawak nito sa isang kamay ang pusa n’yang si Nissin at hawak naman nito ang lesh na nakasabit kay Nissan. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Uriel at kinuha ang pusa mula sa lalaki at niyakap ang mga ito kasabay ng alaga n’yang aso bago muling tumingin sa naghatid. “Salamat,” aniya niya at mabilis na umiwas ng tingin. Nakita niya ito kanina lalo na at kung paano ito makipagpalitan ng putok sa kalaban. Hindi mawari ni Uriel kung ano’ng klaseng tao nga ba ang mga ito at sino si Alexiel. Mukhang respetado ang lalaking niligtas niya. “Walang anuman. Remind ko lang na huwag mong pababayaan at palalabasin ang mga alaga mo. Hindi lahat ng narito ay may gusto sa hayop. Baka hindi mo na mahanap ang mga ‘yan,” aniya ni Bilial, ‘tsaka tumalikod at bumaba ng palapag. Gusto pa nga sanang dagdagan nito na baka patayin ang mga hayop na ‘yon, pero naalala niya na ito pala ang nagligtas sa underboss nila at inutusan silang huwag maging agresibo sa pakikitungo nito. Tss. Hanggang kailan naman kaya ito magtatagal? He doubt it. They have no intention of keeping a secret from her. Makikita nito at kusang malalaman kung sino sila at kung ano ang ginagawa nila. And maybe that time, this woman leave, if the Don will permit it. --- Pagkatapos makausap ni Azrael si Alexiel ay muling bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Riego. “There’s nothing much about. Nasa pangangalaga na siya ng grandparents niya simula noong sanggol siya. Her mother died after giving birth and they don’t know who was the father. It’s unlikely to be a one night stand then, nagbunga siya,” wika nito nang makaupo sa isang leather single sofa at tumingin sa Don. “Alexiel brought her here after the death of her grandparents which i today. At alam mo bang hindi mga pulis ang unang nagpaputok? Another men who was not part of our organization. I think, naroon din sila para kay Alexiel.” “A new organization? Are they trying to make a move on us? They sure are prepared,” sagot naman ni Azrael. His fingers were tapping his chin while looking at the picture on his screen. “A high possibility. We all have enemies right and left.” “Hmm.” “Anyway, I heard that she was under Alexiel’s protection. Wala ka naman sigurong gagawin sa tagapagligtas ng kapatid mo?” Riego asked. They don’t owe her but Alexiel, pero hindi ibig sabihin niyon ay ligtas ito dito dahil lang nasa pangangalaga siya ng underboss. “As long as she behaves,” Azrael answered. He’s strict and he wants them to follow his rules. Ang hindi niya aakalain ay magkakaroon ng pagbabago ang lahat kapag nagkita sila ng dalaga. He will never imagine the chaos Uriel brings. --- “Dito muna kayo Nissan at Nissin, ah? Bababa lang ako para kumain. Dadalhan ko na rin kayo pagkatapos. Huwag malikot at huwag kayong makikialam sa gamit.” Tumayo si Uriel mula sa pagkakaupo at ni-lock ang bintana ng kwarto ‘tsaka muling tumingin sa alaga n’yang aso at pusa na nakahiga sa malambot na carpet ng kama. “Uriel, halika na,” muling tawag ni Alexiel sa dalaga. He furrowed his forehead and look at his wrist watch. Ang tagal talaga ng mga babae mag-ayos. Bumukas ang pinto at lumabas si Uriel. Tiningnan naman ito ni Alexiel at napatango ngunit nakakunot-noo pa rin. “The maid should’ve bought you a dress with sleeves,” he commented. He knew their men when they found a woman pleasing to their eyes kahit walang ekspresyon sa panlabas nito. Nagtatakang napalingon si Uriel kay Alexiel ngunit hindi na lang siya nagtanong. Kinakabahan siya. Simula pa lang sa pagtapak niya sa bahay na ito ay hindi nawala sa pakiramdam niya iyon. Feeling niya may nakatingin sa bawat galaw niya. “Uhm, Alexiel? Okay lang ba talaga na sumabay ako sa pagkain ninyo? Pwede naman akong kumain pagkatapos,” wika niya. Sasabayan na lang niya siguro ang mga alaga na sa kwarto kumain. Alexiel scoffed. “You’re my guest, Uriel. Just don’t mind them. Hindi ka naman nila gagalawin dahil nasa pangangalaga kita,” pag-assure ni Alexiel. Hindi magiging madali ang pagtira ni Uriel sa bahay na ito. Hindi rin makakapayag ang Don na paalisin ito. He hopes that Uriel won’t mind other people’s business na talagang ikapapahamak nito na maski siya ay walang magagawa. Napayuko si Uriel at napatingin sa kanyang paa. “Okay.” Nang makarating sila sa kusina ay natahimik ang lahat. Mayroong mahabang mesa na kinauupuan ng hindi kumulang sa dalawampung katao. Napatingin ang mga ito sa kanila kaya napaiwas ng tingin si Uriel. Malakas ang kabog ng puso niya at hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. Sumunod siya kay Alexiel na umupo sa unahan at siya naman ay kasunod nito. Ano bang nangyari at natahimik ang mga ito? Hindi yata siya welcome. Napalunok ng laway si Uriel. “Why did all of you stop? Continue what you are talking about,” Alexiel said, breaking the silence. Nagsimula namang magkwentuhan ang mga ito at medyo nakahinga ng maluwag si Uriel. Buti na lang talaga at kasama niya si Alexiel na mukhang boss nila. Maya maya pa ay inihain na ng mga katulong ang mga pagkain sa mesa. Halos mapakagat ng labi si Uriel sa aroma ng mga ito. Ang dami at karamihan pa ay bago sa kanyang paningin. Grabe. Hinding-hindi magugutom ang mga tao dito. Napatingin siya kaliwa at kanan nang mahalatang hindi pa ito nagsisimula kumain. Kahit gutom na siya ay hindi siya nanguna dahil nakakawala ng respeto iyon lalo na at bisita siya dito. Wala s’yang karapatan. Maya maya pa ay biglang nagsi-ayos ng upo ang mga kalalakihan kaya naman umayos din siya ng upo. “Don,” sabay-sabay na bati nito at tumingin sa isang direksyon. Napatingin doon si Uriel at nakita ang isang lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. Para itong isang hari sa tindig at galaw nito. Hindi ito isang prinsipe kung hindi isang hari, mapanganib na hari. Tila ba bumigat ang paghinga ni Uriel nang matitigan ang lalaki. Sino ito? Bakit ganito ang reaksyon ng mga lalaki sa mesa maging si Alexiel. Ibang-iba ang atmosphere nang dumating ito. Tila ba mahihiya ang lamok dahil sa katahimikan. Nakaka-intimidate ang aura nito. Namawis ng malamig ang kanyang likod at napakuyom ng kamao. Don? Iyon ba ang pangalan nito? Naputol ang paghinga niya at kasabay nito ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib nang magtama ang kanilang paningin. Iisa lang ang pumasok sa isip ni Uriel nang oras na ‘yon. ‘Run, Uriel! Run!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD