Kabanata 7

1274 Words
Napabuga ng hangin si Uriel at tiningnan ang nilinis na bagay at sahig. Satisfied s’yang napangiti. Ang kintab na at siguro’y wala ng bahid ng alikabok ang mga ito. Kahit ata sa kasuluksulukan nito ay nilinis niya. Pinunasan niya ang noo gamit ang likod ng kamay. Pinagpapawisan na siya at kailangan niya nang maligo. Tama nga naman tumulong siya dito dahil nakahihiya naman na wala s’yang gawin. Sanay din naman siya maglinis ng bahay hindi nga lang ganito kalaki. Kinuha ni Uriel ang mga gamit at bumalik sa kinalalagyan nito bago pumunta ng kusina. Pasado alas diyes ng umaga na at nagluluto na rin ang ibang kasambahay. “Tapos ka na ba? Tulungan mo naman doon ‘yong dalawa sa likod na naglalaba. Marami-rami iyon at pagkatapos ay makakakain na kayo.” May isang maid na sumundot sa kanya at sinabi ito. “Sige,” tugon niya at dumiretso sa likod kung saan nakita niya ang kasambahay na nag-guide sa kanya noong unang araw s’yang narito. “Hindi ka ba natatakot na mapagalitan ni Sir Alexiel?” tanong ng isang maid na may nunal sa magkabilang pisngi habang nakatingin sa papalayong likod ni Uriel. “Tsk! Wala si Sir Alexiel. ‘Tsaka si Don ang nag-utos na dapat tumulong siya sa mga gawain dito. Huwag s’yang feeling prinsesa dahil lang niligtas niya si Sir Alexiel.” “Hmp! Bahala ka. Hindi naman masyadong halata ‘yang inggit mo.” Tiningnan ng masama ng babaeng kumausap kay Uriel ang kasamahan bago ito bumalik sa ginagawa. Inggit? Hindi siya inggit ‘no! --- Agad na humimlay sa kama si Uriel dahil sa pagod. Hindi na nga siya kumain dahil ang dami ng nilabhan nila. Lagpas alas dose na sila natapos. Nakakapagod! Namamanhid ang kanyang kamay at nanginginig pa. Tumahol si Nissan at ngumiyaw naman si Nissin na lumapit sa kanya. Napangiti siya at tumingin sa mga ito. “Okay lang ako. Kailangan ko lang magpahinga,” kausap niya sa mga ito bago hinimas ang ulo ng dalawa at pumikit. Tumabi naman sa kanya ang dalawa at humiga sa magkabila niya. Tila ba ramdam din nito kung gaano siya kapagod. Kaya mahal na mahal ni Uriel ang dalawa, eh. Naging companion niya na ito simula nang siya ay bata pa hanggang ngayon. Ito na lang ang natitirang pamilya niya. Nakatulog si Uriel ng mabilis. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto nito at hindi maririnig ang yapak ng mga paa ngunit hindi sa mga alaga ni Uriel na matalas ang pandinig. Nissan’s ears perked up and the dog woke up, looking alertly at the person who stopped walking. The man made a shh sign and continued to walk. He finds it amusing that she can sleep with her dog and cat. He went near her bed and stared at Uriel’s sleeping face. It’s a pity. She will suffer hardship in this new world. Kung hindi sila nagtagpo ni Alexiel, hindi sana mapupunta sa ganitong sitwasyon ang dalaga, ang mapunta sa mga demonyong katulad niya. She sleeps soundly. She will never notice that someone may do something towards her or worse to kill her. Napailing si Azrael bago tumalikod at lumabas ng kwarto ng dalaga. Napahiga ulit ang aso at pinikit ang mata. Kinabukasan ay maagang nagising si Uriel para tulungan ang mga nasa kusina na maghanda ng pagkain. Pasado alas syete kasi ng umaga ito kumakain. Pakiramdam niya ngayong wala si Alexiel ay palaging may nagmo-monitor sa kanya. Iba na rin ang pagtingin sa kanya ng iba at hindi iyon maganda. “Uriel, ikaw na muna ang kumuha ng labahan sa kwarto ng Don. Kailangan ko kasing lumuwas para bumili ng pagkain,” aniya ni Rona, ang babaeng nakilala niya sa paglalaba kung saan kasama naman nila Bini, ang babaeng inutusan noon ni Alexiel na i-guide siya sa kanyang tutuluyan. “A-Ako?” Turo ni Uriel na parang binuhusan ng malamig na tubig. Bakit siya?! Eh, ayaw niya ngang makita o madikit dito dahil sa takot at babala ni Alexiel. Wala na bang iba? “Oo. Bakit ayaw mo ba?” Tumaas ang kilay ni Rona at iniwan ito. Napahinga ng malalim si Uriel at wala nang nagawa kundi sundin ito. Ramdam niya ang kabog ng dibdib sa bawat hakbang niya patungo sa pangatlong palapag ng bahay. Forbidden daw ito at tanging may mga permission ng Don ang makakapasok. Nasabi sa kanya noon na talagang may maid na pumupunta rito para kunin ang mga basura at damit every Friday. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Don kung hindi ang maid na in-assign ang naabutan nito? Papatayin kaya siya? Huwag naman sana! Napalunok si Uriel at hinawakan ang dibdib habang papalapit sa pinto ng Don. Napapikit si Uriel at pilit na pinapalakas ang loob. Kumatok siya ng mahina sa pinto. Isa, dalawa, tatlo... walang sumagot. Nandito kaya ang Don? “Don?” tawag niya, ngunit walang sumagot. Posible kaya na tulog pa ito? O may pinuntahan ito ng maaga? Pinihit niya ang pinto at gano’n na lamang ang surpresa niya nang malaman na hindi iyon naka-lock. Sabagay, alam naman nito na may kukunin ang maid sa kwarto. Dahan-dahan n’yang binuksan ang pinto. Madilim. Tanging ang mumunting liwanag mula nakabukas na bintana ang nagbibigay liwanag sa loob. Medyo hindi naman nahirapan si Uriel makita ang labahan ng Don dahil nasisinagan mismo ito ng liwanag. Walang ingay s’yang lumakad para kunin ito. Nahawakan niya na ang hamper ngunit napatalon siya nang biglang nagsarado ang pinto. “Ah!” Agad s’yang napalingon ngunit agad ding napaatras nang makita ang isang baril na nakatutok sa kanya. Napasinghap siya at mas kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. ‘Uriel, bakit ba kasi pumayag ka?! Alam mo naman kung gaano kadelikado ang Don, ‘di ba?’ asik niya sa kanyang sarili. “What are you doing here?” “D-Don, kukunin ko lang po itong labahan. Pasensya na po k-kung ako ang napag-u-utusan,” nauutal na sagot ni Uriel habang nakatitig sa dulo ng baril. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng dilim, pero alam n’yang wala itong suot sa pang-itaas. Natatakot siya na baka aksidenteng ma-pull ng Don ang trigger at siguradong dadanak ang dugo sa silid na ito. “Turn around,” utos nito. Tumango siya ng mabilis at tumalikod. Ilang segundo pa ay naramdaman niya ang dulo ng baril na humahagod sa kanyang likod. Napapikit ng mariin si Uriel. Maliban sa kaba ay para s’yang nakikiliti. Ano bang ginagawa sa kanya ng Don. “I can smell your fear, angel,” bulong ni Azrael sa babaeng nakatalikod sa kanya. She has a very sexy back. He wanted to grip her hair, bend her over and tease that plump bottom. He wanted to smack that ass that’s making him aroused. Now that she’s near him, he can smell her coconut perfume. Damn. Why does it smell so good? Nilapit niya ang bibig sa tenga nito at kunti na lang ay madidikit na ito. He can feel her burning up. He moved his gun towards her legs and lifted her skirt. “Do you know what will happen to you, angel? Do you know what will happen once you enter this room?” Umiling ng mabilis si Uriel habang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak. “That’s right. You won’t know even if I kill you. You won’t know.” “P-please, Don. Huwag niyo po akong papatayin,” nagmamakaawang aniya ni Uriel. Azrael lets out a chuckle. “It’s not your time yet.” Hinawakan niya ang leeg nito at nilapit ang bibig. “I’m just getting started, angel.” He will soon have her on his bed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD