Vince POV Sobrang saya ko nang makita ko siya kanina,nginitian niya nga ako kanina pagka kita niya sa akin eh,kaya nginitian ko din siya pabalik. Gusto ko nga sana na yakapin siya kanina,kaya lang....baka mabigla siya pag ginawa ko yun. Kaya ito ako ngayon,patingin-tingin lang sa kanya. Na miss ko siya sobra. Nakaupo ako malayo sa kanya,nang my tumapik sa balikat ko. "lapitan mo kaya,baka matunaw yan sa kakatingin mo"si Drake pala. "haha"tinawanan ko lang siya. "oh ayan pre!tinupad na namin ni Cris ang bilin mo ha?sana this time ay wag mo na siyang saktan" "salamat pre"sabay tapik ko sa balikat niya. "so...ano na ang next step mo?" "kakausapin ko na muna siya siguro pre,aaminin ko na din sa kanya na nag sisi ako nang sobra sa ginawa kong pakikipag hiwalay sa kanya" "buti naman

