CHAPTER 12 MELISSA QUIZON Nakatulala lang ako hanggang sa makapunta na kami ni Eugene sa bahay namin. Binuksan ni Eugene ang pinto ng passenger seat atsaka ako tinulungang makababa ng sasakyan. Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko nang makatayo na ako. Paniguradong namumutla pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung kailan susuko si Wright. Bakit ba gustong-gusto niyang angkinin ang anak ko? Hindi ko siya maintindihan! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hindi ko makalimutan ang labi nito? Bakit parang hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang mga haplos niya?! Nakakainis! Hindi ako makapaniwala, nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang?! Ipinagpasalamat ko nalang na dumating Eugene sa oras. Dahil hindi ko alam ang mangyayari kung maabutan pa ako ni Wright. "Magpahing

