MELISSA QUIZON Lumabas ako ng kotse. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya dahil baka kapag pumikit ako ay mawala ito sa paningin ko. Ito na ba ang kilalang si Wright Agoncillo? Ang dating hindi kayang mamuhay ng wala ang mga katulong niya, ang dating hindi sanay mag-jeep dahil sa dami ng kanyang kotse. Hindi na siya ang dating Wright na hindi kayang magtagal sa ilalim ng init ng araw at magkapawis. Kilalang-kilala ang apleyido niya dahil sa dami ng kumpanya nila pero heto siya at nagbibilad ng palay, nagbabatak ng buto, marumi ang mga damit, at basa ang damit sa pawis. Nagbago na nga siya. Parang may humaplos sa puso ko nang mapansin ang pagod sa mukha nito. Nakita ako ng kasama nito at may sinabi kay Wright. Lumundag ang puso ko nang unti-unti itong lumingon sa akin. "Melissa!"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


