CHAPTER 31 MELISSA QUIZON Hindi ko na hinintay pang ihatid ako ni Wright. Mas nauna akong gumising at nagpatawag nalang ng taxi. Alam kong hahanapin ako ni Reid pero bahala na si Wright na magpaliwanag sa kanya. Hindi ako dumiretso ng paaralan. Bagkus ay pumunta ako sa ospital na pag-aari ni Eugene. Nagbabaka-sakali ako na madadatnan ko siya doon. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong pagaanin niya ang kalooban ko. Kailangan ko itong ilabas, kasi kung hindi, sasabog na ako. Pumasok ako sa ospital at nagpunta sa reception area. Nginitian ko ang nurse na in-charge. “Good morning. Is Doc Eugene here?” Nagtinginan ang dalawang babae at pagkatapos ay tumingin sa akin. “Sorry po, Miss. Wala na po si Doc Eugene. Umalis na po.” Tumango ako. “Ah. Kailan siya mag-du-duty?” Kinabahan ako nang

