CHAPTER 10 MELISSA QUIZON Seryoso ang mukha nito. "Tell me, yung bata sa litrato, siya ba ang anak ko?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Malakas kong hinaklit ang braso ko na hawak nito. Nang mabawi ko na ang braso ko ay tuluyan na akong humarap dito. Seryoso itong nakatingin sa akin, walang bahid pagsisisi sa mga mata nito. "Wait? Anak mo?" Kunot-noo kong sabi. Ibinaba ko yung hawak kong picture frame sa pinakamalapit na table sa akin at pagkatapos ay muli ko itong hinarap. "Hindi ba bumaligtad yung sikmura mo nung sinabi mo 'yun?" Sinigurado kong mararamdaman niya ang insulto sa sinabi ko. Wala akong pakielam kahit na mainsulto siya. Bakit? Noon ba may pakielam siya sa amin?! "Melissa.." Nagtangka itong lumapit sa akin ngunit agad ko siyang pinigilan. "Hanggang diyan ka

