CHAPTER 29 MELISSA QUIZON Palabas na sana ako mula sa kusina nang makita kong magkaharap ang mag-ama sa sala. Nagtago ako sa pader na malapit sa kanila para marinig ang kanilang pag-uusap. Tingin ko ay kagigising palang ni Reid dahil magulo pa ang buhok nito. Iniwan ko kasi sila para magluto ng tanghalian. Napatingala si Reid ng hawakan ni Wright ang kamay nito. "Maliliit ng gagamba, umakyat sa sanga." He sings while gapping Reid's hand. Napangiti si Reid nang makaramdam ito ng kaliti dahil sa ginagawa ni Wright sa kamay niya. "Dumating ang ulan, itinaboy siya. Sumikat ang araw, natuyo ang sanga. Maliit na gagamba, ay laging masaya!" Dinukwang ni Wright si Reid. Itinaas nito ang pajama ni Reid at binugahan ng hangin ang tiyan nito. Napakasarap sa pandinig ang tawa nito. Ang tawa

