CHAPTER 14 WRIGHT AGONCILLO Nakayukom ang mga kamay ko habang naglalakad palapit sa sasakyan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Ako yung mali. Ako yung dapat sisihin. Ako yung natakot. Hindi ko ininda ang sakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok sa pader kanina, mas masakit kasing makita na masaya na yung pamilya ko kasama ang doktor na iyon. Hindi lang ako makalapit sa kanila dahil baka magkagulo. Pinatunog ko yung sasakyan ko at mabilis na pumasok doon. Mahigpit kong hinawakan ang manubela. Ano ba ang kailangan kong gawin para patawarin ako ng pamilya ko? Napatingin ako sa isang simbahan na nadaanan ko. Minanipula ko ang aking kotse at lumiko roon. Ilang taon ko na pala Siyang hindi kinakausap. Kaya siguro nagkakaganito ang buhay ko ay dahil nakakalimutan ko na Siya.

