CHAPTER 16 MELISSA QUIZON Mabilis na dumating ang Huwebes. Ito ang unang araw ko sa bago kong trabaho. Hindi pa rin alam ni Reid ang tungkol sa bago kong trabaho. Ayokong magsinungaling pero mas maganda nang ilihim iyon sa anak ko. Baka maisipan niyang magtanong tungkol kay Wright at wala akong maisagot. Alam ni Eugene ang tungkol sa bagong trabaho ko. Kung kinailangan ko daw siya, pupunta agad ito. "Susunduin kita mamaya, ha. Intayin mo si Mommy." Malambing kong sabi kay Reid. "Opo." Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok sa gate ng school niya. Tumigil ito sa paglalakad at humarap uli sa akin. Kumaway siya at kumaway din ako bago siya tuluyang pumasok. Pumara ako ng taxi para puntahan ang binigay na address ni Wright. Hinanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin. Hi

