Gigil na kinagat-kagat ni Faye ang kutsara na kung hindi lang gawa sa metal ay kanina pa nasira. Sinimot niya ang laman noon at ganoon na lang ang panlulumo nang ma-realize na naubos niya ang 750 ml na icecream. This is gluttony, but who cares! It's not enough para pakalmahin ang naii-stress niyang beauty. All because Clyde walked away without a word. Napailing siya. "I can't believe na hindi ka pa rin sanay, Faye." May mga labin-limang minute sigurong nakatayo lang si Clyde sa tabi ng sofa kanina. In her peripheral view, nakikita niya ang maya't-mayang pagpihit nito. Tila hindi mapakali ang gago sa kung ano mang iniisip nito. She decided to ignore him and focus on re-watching one of her favourite movie. This Means War is one funny movie about two bestfriends who fell in love with the

