"Walanghiya!" Sigaw ng Daddy niya at akmang susuntukin nito si Harvey kaya naman mabilis siyang kumilos para awatin ang ama. Hinarang niya ang kanyang sarili para hindi na ituloy pa ng ama ang pagsuntok kay Harvey. Kailangan din niyang ipagtanggol at protektahan si Harvey, hindi iyung siya lang ang pinoprotektahan nito, sino naman ang poprotekta kay Harvey kung hindi siya. "Ava, what are you doing!" Narinig niyang saad ni Harvey at naramdaman ang paghawak nito sa braso niya para hilahin siya. "Walang kasalanan si Harvey, Dad. Hindi namin kasalanan kung pareho naming mahal ang isat-isa,' saad niya sa ama na puno ng galit habang nakakuyom pa rin ang kamao nito. "Tigilan mo nga iyang mga sinasabi mong iyan Ava!" Sigaw ng kanyang ama. "Gumaganti ang lalaking iyan sa pamilya natin Ava! Bak

