"Ano ba ang pumasok sa kokote mo Ava, at bakit kailangan mo pang puntahan ang lalaking iyon. Siya na lang ba ang lalake sa mundo at nagkakaganya ka!" Galit na saad sa kanya ng Daddy niya. Dahil sa sigaw ng Daddy niya nagising na lahat ng kasama nila sa bahay, bumaba na ang Mommy niya at ang bunsong kapatid para alamin kung ano ang sinisigaw ng Daddy niya. Kung bakit naman kasi sumigaw-sigaw pa ang Kuya Juancho niya na siyang dahilan kung bakit nagising ang Daddy niya at bumaba pa. Ngayon buong pamilya niya ang kailangan niyang harapin, wala na pa naman siyang lakas para makipag bangayan ngayon, masyado na siyang napuno ngayong gabi. Wala ng pagpupwestuhan pa ang galit sa kanya ng kanyang buong pamilya, dahil sa Mama pa lang ni Harvey kanina ay napuno na siya at hindi na niya kaya pa. "Av

