Lalong sumakit ang ulo niya sa biglaang pagdating ng kanyang Mama. Marahil agad nakapag sumbong si Nicole kaya halos magkasunod lang ang dating ng dalawa. "Sasakyan ba ni Ava ang nasa labas? Anong ginagawa ng babaing iyan dito! Kaka engaged pa lamang niya at nasa bahay na siya agad ng ibang lalake sa ganitong oras ng gabi!" Galit na sita sa kanya ng Mama niya nang makapasok na ito sa loob ng bahay. Mariin niyang pinikit ang mga mata at humugot ng malalim na paghinga. Wala siyang pakialam sa galit sa kanya ng dalawa ngayon, ang inaalala niya ay si Ava, kung ok lang ba ito sa loob ng kanyang silid, kung hindi na nito naririnig ang mga masasakit na salita mula sa Mama niya at kay Nicole. Kung bakit naman kasi napakadali kay Nicole ang mapaikot ang ulo ng Mama niya. Masyadong malaki ang ti

