Hindi niya inalis ang kanyang mga mata kay Ava habang nagsasayaw ito na para bang nakainom na, kahit hindi pa naman niya ito nakitang uminom mula pa kaninang pagdating nito. Marahil bago ito nagtungo rito ay uminom na ito. Napahugot siya ng malalim na paghinga, habang titig na titig siya sa magandang mukha ni Ava na bakas na bakas ang kalungkutan, kahit na hindi nakapikit ito halata pa rin sa mukha ng dalaga ang lungkot. Kahit hindi na niya tanungin pa si Ava, alam niyang ang pagpapakasal nito kay Philex ang problema nito. Panigurado din na ang biglaang pagpunta nito sa bahay niya kanina ay may kinalaman kay Philex at sa nangyari sa kanila nang gabi ng engagement nito sa lalaking iyon. "Ava,' bulong niya sa pangalan nito. "Ano kaya ang mararamdaman ng Mama mo pag nakita ka niyang nakat

