Chapter 3

3485 Words
Chapter 3 Mula sa pagtitig sa kawalan, bumaling ang tingin ko sa cellphone nang tumunod ito. I sighed and picked it up. Inaalala ko ang nangayari kagabi. I really hate Icarus' guts. He's so f*****g jerk. Napasimangot ako nang maalala ang diary ko. He read it. And now, he knew my secret. [Sunny...] mahinang usal nito sa kabilang linya ang pumukaw sa aking naglalakbay na diwa. Kumunot ang noo ko. "S? Bakit? Anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba?" [Wala... wala.] sabi niya sa kabilang linya. [Gusto lang kitang makausap.] paos na boses na aniya. Tumango ako at nakaramdam ng kaba. "Bakit?" maingat kong tanong. Hindi siya sumagot. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang hininga. Ramdam na ramdam ko ang bigat na dinaramdam niya. "S, do you have a problem?" masuyong tanong ko at umupo sa dulo ng aking kama. "Family problem?" I heard him taking several gulps on the other line. [Mom and dad had a... fight, Sunny] sabi niya. [I-it was so... mess,] he said like it was as if sharing it with me could at least lessen his pain. Humugot ako nang malalim na hininga. So I am right. "Nasaan ka ngayon?" Matagal bago siya nakasagot. I waited for his answers. I wanted to know where he is. I wanted to know if he's okay. Gusto ko siyang puntahan para man lang e comfort. He was always been there for me. Simula nang mamatay ang mama ko, isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako ngumingiti hanggang ngayon. We treated each other like we were siblings. I treated him like a brother. Para ko na talaga kasi siyang kapatid. Bukod sa mabait siya sa akin, kung tratohin niya rin ako ay parang magkadugo talaga kami. He's my bestfriend. Best among all. He's my companion whenever I'm sad. Palagi siyang nandiyan para sa 'kin. Sa kaniya ko rin sinasabi ang mga hinaing ko sa buhay. Kung paano ako hindi tinanggap ng sariling ama, kung paano ako naghirap simula nang mawala si mama. Kung paano aki tratohin na parang basura nang pamilya ng tunay kong ama. He's been there always. Comforting me. Kaya ngayon, alam kong kailangan niya ako. And of course, I am his best buddy, ako naman ngayon sasama sa kaniya. We got our backs. I also feel guilty. Marahil ay nag away sila dahil sa kaniya, dahil sa pakikipag away niya noon. It was actually my fault. He said where we could exactly meet, alas siete y media na ng gabi pero sobrang liwanag pa naman ng labas. I could even see kids playing habol-habolan during this hour. Nakita kong nakatambay si papa sa tindahan sa tapat ng bahay namin. Saglit akong nagpaalam sa kaniya na may bibilhin lang bago naglakad sa park na malapit lang sa amin. Preece told me he's here. Umupo ako sa pangdalawahang swing habang hinihintay siya. I wondered what he was feeling right now? I'm worried he might have a breakdown. His mental health wasn't that strong. He's also weak emotionally. At alam ko iyon dahil magkaibigan kami. Not long after, dumating na rin siya. Napatayo ako mula sa swing at sinalubong siya ng yakap. Mabilis kong napansin ang magulo niyang buhok at nanumugto niyang mga mata. When our eyes met, he smiled sadly before averting his gaze. Umupo siya sa katabi kong swing at tahimik na isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. He sighed heavily. "What happened, Preece?" malumanay kong tanong. I raked my fingers on his hair, trying to sooth him. He sighed and gulped. "Sobrang gulo, Sunny." mahinang bulalas niya na may halong lungkot sa kaniyang boses. Hindi ako umimik at hinayaan siya nang kunin niya isang kamay ko at pinalaruan ang aking mga daliri. "People around us thought we were a perfect image of a happy family. They see no flaws. Halos lahat ng mga nakakakilala sa pamilya ko ay iniisip na masaya kami, na perpekto kaming pamilya. Pero lingid sa kaalaman nila, isa ang pamilya ko sa mga may pinagkatataguang madilim na sekreto." his voice cracked. "S..." He chuckled bitterly. "Often times, Dad would abuse mom. He was always hitting her... right in front of my naked eyes... M-minsan naririnig kong... kong... pinipilit niya ang mommy para m-makipag-talik..." he said and a sob escaped from his mouth. Nagulantang ako sa kaniyang sinabi. I stiffened. "Ever since I was still a kid, mulat na mulat na ang mga mata ko sa mga pinanggagagawa ni daddy sa mommy ko. I even caught him having an affair with his secretary way back in elementary pero pinabayaan ko nalang iyon dahil ang sabi niya kaibigan lang niya ito. How stupid. I caught him kissing her tapos sasabihin niyang kaibigan lang?" umiiyak na aniya. I bit my bottom lip 'cause I felt it quivering with so much emotions. As much as I wanted to comfort him, I don't know how. Ang tangi ko lang sigurong magagawa ngayon ay ang pakinggan siya. "T-tapos nagsumbong ako kay mommy... She cried, Sunny. She cried next to me. Pero alam mo kung ano 'yung mas pinakanakakagago? Dad got even angry! Binugbog niya nang binugbog ang mommy hanggang sa mawalan siya ng malay... And I was just there, doing n-nothing." napahikbi siya. Nangilid ang aking luha. Hinagod ko ang kaniyang likuran." S..." pumiyok ang boses ko. "I-if... If I am n-not just only a boy. Kung hindi lang sana ako bata ngayon, ipagtatanggol ko si mama... I will punch dad non-stop until he can no longer hurt my mother." gigil na aniya at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Preece and I were just twelve. Grade seven palang kami ngayon. This is my first time seing him with so much pain. Palagi siyang may ngiti sa labi, palagi siyang tumatawa. Palagi siyang nagbibigay nang ngiti sa akin. And seeing him in this state. So fragile... So vulnerable... It breaks my heart... "Mom and dad had a fight... because of me, Sunshine. I disappointed my dad. I disappointed him. He got angry. A-and mom was there, defending me. P-pero mas nagalit si daddy. H-he hurt her again. And he hurt me... sabi niya sa akin dapat ako nalang daw ang namatay kaysa kay Pier... " his voice broke. Hindi ko maintindihan ang huli niya sinabi. Hindi ko nalang iyon pinansin. Tahimik akong umiyak kasama niya. Hanggang sa tumahan na siya, hindi ako umalis sa kaniyang tabi. I know he needed me. He needs my presence. He needs someone to comfort him. He smiled at me after letting his heart's out. "Salamat, Sunshine..." he sincerely said. Ngumiti rin ako pabalik at inangat ang kamay upang punasan ang kaniyang luha sa pisngi. "I'll always be here, Preece..." I said with a genuine smile. "I got your back, okay?" He chuckled. "Yeah..." he said. "Thank you, Sunshine." he lifted his hand and put the few strand of my hair in the back of my ear. We both smiled as our eyes locked. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng nararamdaman ko ng oras na 'yun. Sakit at takot. "If heaven allows me to live longer, I will comeback to you. I love you so much, Sunshine. I'm always gonna be your knight. Your bestfriend, your big brother and your protector. Thank you so much for everything..." he murmured. Napapikit ako at sunod sunod na tumulo ang luha sa aking mga mata. I should've held his hand tight. I should've comforted him more. I should've hugged him tighter. I shouldn't let him go. Dahil hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huling ngiti niya. Ang huling iyak niya. Ang huling pagtama ng aming mga mata. Ang huli naming pagkikita. Because after that night, he died. He's... gone. My Knight in shining armour died. ** I am staring at nowhere. I felt so numb. Habang patuloy na tumutulo ang ulan mula sa madilim na kalangitan, nakatayo ako sa harapan ng kaniyang kabaong. Walang emosyon ko siyang tinitignan. He's there. Lying on his own coffin. Breathless. Wala na. Wala na siya. Wala na ang pinakamatalik kong kaibigan. Wala na ang pinakamatapang na tao na nakilala ko. Na kayang kaya akong ipaglaban. Na kaya akong ipagtanggol. Sobrang bigat ng dibdib ko pero ayaw tumulo ng luha sa aking mga mata. Namanhid na ata ang buong katawan ko dahil kahit ang sariling mga luha ay hindi ko maramdaman. "Sayang na na bata, ano? Napakabuti at ang gwapo pa naman sana." narinig kong usap usapan ng mga bisita sa lamay niya. "Sinabi mo pa. Marami pa sigurong oportyunidad sa bata na 'yan kung hindi lang namatay. Napakasayang talaga." may mga paghihinayang sa mga boses nila. Sympathies... Umiling ako at pinakatitigan ang gwapong mukha ng kaibigan ko sa ilalim ng babasaging salamin. Lihim lang akong nakikinig sa mga pinag uusapan ng mga bisita rito. Ayaw tumulo ng aking mga luha ngunit ramdam na ramdam ko ang bigat nila sa ilalim ng aking mga mata "Nakakapanghinayang talaga, ang bata bata pa pero maaga ring nawala. There were a lot of possible opportunities na makukuha niya pa sana. Look at his face, he's charming and a very good kid." "Napakabuti niya sanang bata... I still can't believe it. Parang dati lang ang sigla sigla pa niya." "Ako nga e, hindi rin makapaniwala." I sighed heavily. Tama sila, mabait siya. Napakamabait niya. Sobrang bait niya. Kaya bakit siya kinuha ng Diyos? Bakit binawian nang buhay gayong mabuti naman siyang tao? Ang unfair naman ng Diyos na sinasabi nila. Kung ano pa ang mabuti, iyon pa ang ipinagkakait sa mundo. Just like how he took my mother. I smiled bitterly. Pero napaisip ako... it's nonsense. Kahit pa sisihin ko pa nang sisihin ang Diyos, alam kong hindi na babalik si Preece. Nilisan na niya ang mundo. He left me. He left his family, he left his love ones. He left his beloved bestfriends. Wala na siya. If I had just known, sana mas niyakap ko siyang nang mas mahigpit. Damn, I just lost another family. — "Hija," napalingon ako sa gilid ng may humawak sa aking balikat. Nakatagpo nang aking mga mata ang pigura ng ina ni Preece. Right in front of me is his mother. At hindi nakakatulong ang magkahawig nilang mukha upang pagaanin ang bigat sa puso ko. "Tita." pagtango ko rito. Namumugto ang mata nito habang pilit na ngumingiti sa akin. "Kanina ka pa nakatayo diyan, umupo ka muna at magkape. Malakas pa rin ang ulan." suhesyon niya Umiling ako at umiwas nang tingin. Tumingin ako sa mukha ni Preece na nasa kabaong. "Ayos lang po ako." sagot ko. I heard her sighing. "My son is handsome, right, Sunny?" I nodded and smiled a bit. "Opo... ang gwapo niya." halos pabulong ko nang saad. "Naalala ko pa dati sa tuwing umuulan, palagi siyang nagpapatimpla ng gatas sa akin at nagpapaluto ng sopas." she said, smiling. "Nalalamigan daw kasi siya at gusto niya ng init. Tapos magpapalambing siya sa akin. Sila nang kapatid niya..." she sniffed. Hindi ako nagsalita. I bit my lower lip as I felt my throat dried up. "Pero ngayon namang umuulan, nagluto ako ng sopas at nagtimpla ng gatas, hindi niya naman tinatanggap." pumiyok ang boses nang mommy niya at napahikbi. "Ang l-lamig na niya..." dagdag nito at napahagulhol. A sudden anger along with pain clenched around my chest. Naalala ko iyong mga sumbong sa akin dati ni Preece. His mother was experiencing physical, emotional, and mental abuse. And as a child, ramdam niya rin ang sakit na dinaramdam ng kaniyang ina. I wonder how painful it was for Preece to watch his mother being cheated and being abused. "M-Maria..." dumating ang papa ni Preece at niyakap ang kaniyang asawa. Napabaling ang tingin ko sa kaniya. His eyes were filled with so much emotions I could clearly name. Pain, anger, sorrow, and regrets. Pero kahit magsisi pa siya, hindi na niya maibabalik ang kaibigan ko. He can't bring back the emotional torture he gave to his family, to his son. Huminga nalang ako nang malalim bago tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. Ayaw kong makita ang papa ni Preece. Ayaw kong makita ang taong dahilan kung bakit siya nasasaktan noon. I might breakdown. Kasi kahit kaibigan lamang ako ni Preece, tinuring ko na siyang sariling kapatid. Natagpuan ko ang sariling nakaupo sa swing na huling tagpo namin ng namayapang kaibigan ko. Malakas pa rin ang ulan at malamig ang hangin pero parang wala akong maramdaman. Waka akong pakialam. "Sunshine..." isang baritono at pamilyar na boses ang siyang nagpatingala sa akin. I stared at him blankly. He smiled. Icarus smiled at me. My heart took a leap. He's here. Someone was here for me. "Why are you here?" namamaos kong saad. Nagkibit balikat siya bago tumabi sa akin, doon sa pwestong inupuan ni Preece bago siya nawala. Like me, he was also wet from the rain. Nilingon ko siya at nagtatanong na tiningnan. The corner of his lips rose up. I couldn't see any pity on his eyes. "Napadaan lang." simpleng sagot niya at tiningnan ako nag mariin sa mga mata. Tahimik akong tumango at umiwas nang tingin. He was looking at me intently. "A-Asan si Dori?" nauutal kong tanong at umiwas nang tingin. "Nasa bahay." he answered while looking at me still. "Ayos lang ba siya?" I asked. Kanina kasi habang nasa bahay ako ng pamilyang Sawyer, impit na humagolhol si Dori hanggang sa mawalan siya nang malay. I was worried but I couldn't blame her though... para na kaming magkatapid tatlo. "She's fine now." he said. "How about you? Are you okay?" he asked, worry was evidence on his voice. Umiling ako. "I am not." sabi ko sa totoo. I tried never opened up to someone aside from my bestfriends. I looked at him. Icarus and I had never been really close. Our mothers were bestfriend but when my mother died, hindi na kami masyadong nagkikita pa. Madalas ay sa school. He and I were actually childhood friends. O friends nga ba? "You'll feel better soon..." bulong niya. I couldn't see any sympathy on his eyes. I couldn't see any pity on it while looking at me which I am thankful with. Ayoko sa simpatya. Mas mabuti nang wala ng lumapit sa akin kaysa ang makakita ng ganoong tingin. "It feels... unbearable." natatawang ani ko at tumingala sa kalangitan. Sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko alam kung maririnig pa ba niya ako o hindi. "Una, nawala si m-mama... ngayon naman ang kaibigan ko." Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang mga patak ng ulan. "Death is inevitable, Sunshine. You see, hindi natin 'yan mapipigilan, kahit tayo ay babalik at babalik rin sa lupa at magiging abo. Your love ones left your side but in your heart, they're still there. Hindi sila tuluyang nawala. All you have to do is to feel them. Feel their love." Narining kong saad niya pero hindi ko ito sinagot, imbes ay napatanong ako sa aking sarili. I just couldn't process what he'd said. "Wala na bang mas mamalas pa sa'kin? Halos lahat na yata ng kamalasan, nasalo ko na. People around me—who cared fot me—would leave me eventually. Walang nakakatagal sa'kin." bulong ko sa hangin. "Someone will." seryosong aniya, nagulat ako dahil narinig pala niya ang aking sinabi. "May isang tamang tao ang dadating sa tamang oras at tamang pagkakataon at hindi ka nito iiwan. Kung aalis siya, ibig sabihin nun, hindi siya ang tama na tao para sa'yo." Natawa ako nang mapakla. "Maybe." kibit balikat ko at tumingin sa kaniya. "Maybe yes... maybe not." He stared at me intently and a smile crept on his lips. My heart feels like a thunder. It was roaring inside my ribcage. I bit my inner lip. I felt his hand on top mine. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. His callous hand was pressing on mine. "Why aren't you crying?" tanong niya habang hawak pa rin ang kamay ko. My heart suddenly tugged while I looked at his hand above mine. Mabilis kong binawi ang kamay ko. Para akong nakokoryente. Napakurap ako at napatikhim. Nagbuga ako ng hangin. "Kailangan ba talagang umiyak? I mean, kapag ba talaga nasasaktan ka, kailangan mong umiyak?" I asked, brows knitted. Hindi ko rin maintindihan. Hindi lang siya ang unang beses na nagtanong sa'kin niyan, marami pa. Required ba talagang umiyak kapag nasasaktan ka? "It's not like that... but I guess, yes?" naguguluhang tanong niya. Nakakunot ang noo at nakabiling ang ulo sa isang gilid na para bang nagtataka talaga siya. Napatawa ako bigla. I don't know. I just find him... cute. "Well, bakit naman ako iiyak?" tanong ko sa gitna nang malakas na ulan at mahihinang tawa ko. "There's no need to cry, Icarus. Yes, I might feel sad, in pain, and such but can't find any reason to cry at all. Wala naman kasing maibabalik kung iiyak ako eh. Hindi na maibabalik pa ang mga nawala sa akin. Kahit lumuha pa ako ng ilang balde o drum, wala." mapait kong wika. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Ngumiti ako sa kaniya. "I am hurting, yes I am." I added. Amusement danced on his hazel brown eyes as he stared at me. "You're very different, Sunny..." bulong niya at tumingin sa harapan namin. Habang nakatagilid siya sa akin ay kitang-kita ko ang tangos ng kaniyang ilong, ang hugis ng kaniyang panga, ang mahahaba niyang pilik mata, at ang makinis niyang leeg na kasalukuyang binababaan ng tubig ulan. I licked my lower lip as I find him so gorgeous. Nag-iinit ang pisngi ko. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a round plain black shirt at isang pares ng maong na pantalon at isang puting sneakers rin. Umiwas ako nang tingin nang mapansing bakat ang katawan niya dahil sa pagkabasa ng damit niya. He was so goddamn gorgeous and hot. "I guess, too." muntikan pa akong mautal. I don't want to observe him more often. Baka mapuri ko na naman siya sa isip ko. "Bakit ka ba napadaan dito? Hindi ka ba sumabay sa kapatid mong umuwi?" iwas ko ng topic. He shooked his head. "Sinundan talaga kita rito. I saw you walking out from your late friend's funeral and I thought of walking after you. And then, nakita kita rito. Mag-isa." "Hmm..." I was lost of words. Natahimik kami pareho. Tahimik namin pinapakinggan ang malakas na ulan. Wala akong ibang maisip na topic kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. My heart really beats so fast whenever he's near and I don't know why. Narinig kong tumikhim siya. Nakakailang na ewan ang atmospera ng lugar. My cheeks were still on heat. Kabaligtaran ng malamig na ihip ng hangin. "Icarus—" "Sunny—" Sabay naming saad at nagkatinginan. Nanlaki pareho ang mga mata namin. I blinked my eyes several times. And so as he did. An awkward silence filled us. And not long after, sabay kaming napahaglapak nang tawa. "Damn." he laughed as he shook his head. Hindi ko alam na kaya ko pa palang tumawa sa gitna ng sakit. Kaya ko pa palang tumawa sa gitna ng lungkot. I thought it would take me time to be back at my senses again. But I'm wrong. Because right in front of my pain, Icarus made me laugh. It took us minutes to stop ourselves from laughing. "Come on." he suddenly stood up kaya tumingala ako sa kaniya. "Why?" I asked, still smiling. He gestured his hand for me to put mine above and I curiously held his hand and my eyes widened and my lips parted when he pulled me forcefully that I ended up getting crashed over his wet, chiseled chest. "W-What are you... doing?" nauutal kong tanong at napakurap. "Hugging you." sabi niya sa pormal at seryosong boses. Pinulupot niya ang mga braso sa maliit kong beywang at mas idinikit ang mga katawan namin. Uminit ang pisngi ko at napakagat ng ibabang labi. My chest tightened with so much comfort while my body was pressed against his. "B-Bakit?" I managed to ask. Huminga siya nang malalim. "I just feel like hugging you." Napakurap nalang ako at nawalan ng salita. The beat of my heart was getting fast. At kahit na malamig ang hangin na tumatama sa aking balat, ang init naman na galing sa kaniyang yakap ay nagbibigay ng init sa aking puso. He wrapped his arm around me and pulled me closer for a tight warm hug. Nag-iinit ang pisngi ko lalo. Napangiti ako bago napaisip ng nakakaloko. Icarus and I has never been really friends. Ngunit hindi rin naman kami magkaaway. Her mom and I's were bestfriends and her sister and I as well. "Salamat... kuya," I giggled teasingly. His body suddenly stiffed. Humalakhak ako sabay tulak sa kaniya at takbo palayo. "Sunny!" he shouted and ran after me. And under the heavy rain and the dark gray sky, our carefree laughter roared around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD