" Hindi ka pa uuwi, Ella?" Napalingon siya sa nagsalita sa kanyang gilid. " Sir Finn!" Gulat niyang sabi kay Finn na hindi niya namalayan na nasa kanya nang tabi. Nitong mga huling araw ay wala siya sa sarili. Hindi pa din siya makapaniwala na nag halikan sila ni Thiago. " Am, uuwi na ako. May kailangan lang akong kunin sa friend ko." Nahihiya niyang sabi dito, hindi din niya akalain na makikipag usap ito sa kanya. Lagi din itong wala sa villa. " I will bring you home. Ibinilin ka kasi ni Thiago sa akin." Nag init ang kanyang mukha sa sinabi nito. At hindi niya alam kung bakit ginawa iyon nang kapatid nito. " Don't worry, thankful lang kami dahil sa ginawa mo kay Ezah. Kaya inaalagaan ka namin. Pati si Mommy ibinilin ka sa akin to look after you dito sa school." Nakangiti nitong s

