"Anong ginawa ninyo kay, Maria? Nasaan siya?" Halos magbaga ang kanyang mata sa galit nang bumalik siya mula sa pag entertain sa pamilya nang Valencia ay wala na si Maria sa kanilang condo. Walang notes hindi na niya ito ka contact.Kahit sa airline ay nag resign ito. Ang tatlong araw na paalam niya ay naging limang araw. Dahil sa request nang kanyang Lola na hindi niya mahindian. Pero ang pag entertain lang sa mga ito ang hanggang kaya niyang gawin. " Thiago, we will talk about it later." Ang kanyang ama ang sumagot at alanganin na ngumiti sa mga kaharap sa hapag. Ang pamilya nang Valencia na ma impluwensiya sa Barcelona. Nasa mining at politics ang pamilya nang mga ito. " No! I want it now. What did you do? Binayaran nyo ba siya para layuan ako?" Frustrated niyang tanong sa mga magu

