Chapter 9

1072 Words
Ilang minuto silang nagkatitigan ni Thiago. Alam niyang tulad niya may tumatakbo din sa isipan nito. Kung ano iyon wala siyang ideya. Hanggang mag salita ito habang matiim pa din nakatingin sa kanya. " Sa palagay mo magiging sagabal ba ang pagiging friendly ko sa iyo sa pag abot mo nang mga pangarap mo?" Seryoso nitong tanong at tumango siya dito. " Ayaw ko nang distraction, Thiago. At aaminin kong malaki kang distraction sa akin." Kinagat niya ang pang ibabang labi matapos niyang sabihin iyon. Mataman lang siyang tiningnan ni Thiago, pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. " I understand, Maria. Matalino ka to realize that there's no such thing as a boy and a girl can be friends. Somehow at one point or another one will fall for the other. Ma swerte na lang if they fall for each other." Tumiim ang mga titig nito sa kanya, pero pinigilan niya ang iba pa nitong sasabihin. " Sa kaso nating dalawa, it's impossible. Para tayong ganito." Itinaas niya ang kanyang palad at itinuro ang kanyang thumb finger. " This is you. And this is me." Turo naman niya sa kanyang small finger. " Ang layo nang pagitan natin." Sabi pa niya dito na nakamasid si Thiago sa ginagawa niya. " Hindi naman ganun kalayo, just three fingers apart." Komento nito, kaya napabuga siya sa hangin at ibinaba ang mga kamay. " Tsk! Sa kulay pa lang ang layo na natin. You're fair Im tan skin. Ang bango mo samantalang amoy sabon ako. Saka..." "Mayaman ako, mahirap ka." Pagpapatuloy nito sa gusto niyang sabihin. " Yes!" Mabilis niyang sabi. " It doesn't matter." Sagot nito pero matiim niya itong tiningnan. " It does to me Thiago. Lalo pa ngayon na magulang mo ang nagpapaaral sa akin. Lulugar ako kung saan ako nararapat." Matigas niyang sabi dito at nawalan nang sasabihin si Thiago. Matagal silang nag sukatan nang tingin. Hanggang sumuko si Thiago. " Okay, I will give you want you to want Maria." " Salamat nang marami, Sir Thiago." Parang nakahinga siya nang maluwag sa naging usapan nila. "Let's still celebrate, Maria." Sabi ni Thiago, he looked at her with a playful glint on his eyes. Binalewala na lang niya ang tingin nito. Umaasa siya na kapag hindi niya ito makikita o makikipag lapit sa kanya. Hindi siya mahuhulog dito at hindi masisira ang plano niya sa buhay. Pero hindi umayon ang panahon sa kanya nang araw na iyon.Dahil biglang umulan nang malakas. " Oh no! Kailangan ko na umuwi. Kailangan kong mag review." Hindi niya napigilan na bulalas habang nakatingin sa paligid na patuloy ang pag buhos nang ulan. " Let's wait for some time. Baka titila din iyan mamaya." Balewalang sabi nang kaharap na sumisimsim nang table wine. " Paano kung hindi?" Nag aalala niyang tanong dito. " Then we will stay here for tonight. Maganda ang mga room dito." Sabi ni Thiago na parang ganun lang ka simple para dito ang sitwasyon nila. " Hindi pwede!" Agad niyang tanggi. " I'm not going to rape you, Maria. Don't worry." Sabi nito at parang napahiya siya sa sarili. Thiago can have any girl he wants na hindi naghihirap. Bakit sisirain nito ang dangal sa kanya? " Hindi sa ganun! I have exams tomorrow. Kailangan ko bumawi dahil late registration ako. Ayaw kong mapa hiya sa mga magulang mo. Ayaw kong masayang ang pera na gina gastos nila sa pag aaral ko!" Mahaba niyang sabi para pagtakpan ang pagkapahiya dito. " I can't drive you home in this weather, Maria. It's not safe for both of us." Maging ito ay tumingin sa labas nang bahay kubo at kahit siya natatakot na mag byahe nang ganito ang panahon. " I'll reserve if there is a room, you rest there. Mag review ka at kung tumila ang ulan saka tayo babalik sa Villa." Sabi nito na hindi na lang siya kumontra. Mukha wala naman siyang panalo dito. Matapos itong makipag usap meron nang dumating na mga tauhan nang farm at may dalang malaking payong. "We will guide you Sir sa room na available na ipina reserve ninyo." Magalang na kausap nito kay Thiago. Inabot naman nito ang payong at binuksan. Paglabas nito nang kubo, inilahad nito ang palad sa kanya na nakatayo sa b****a nang bahay kubo. " Let's go, Maria." Pag yaya nito kaya mabilis siyang lumabas at sumiksik sa tabi nito upang hindi siya mabasa nang ulan. Mahigpit niyang kipkip ang kanyang school bag. Naramdaman niya ang pag akbay nito sa kanya. " Baka mabasa ka." Sabi nito sa kanya at mas hinapit siya sa katawan nito.Hindi niya ito nilingon, ayaw niyang makita nito ang kanyang damdamin sa pagkaka lapit nilang iyon.Umagapay lang siya sa paglalakad nito. Hindi naman kalayuan ang mga native cottages na pwede nilang tuluyan. Pero pakiramdam niya ang layo layo nang nilakad nila. " Welcome, Sir. And enjoy your stay." Sabi nang tauhan sa farm resort at iniwan na sila nito. Naiwan sila ni Thiago na nasa harap nang isang magandang cottage na gawa sa kahoy at ang bubong ay gawa sa cogon grass naka angat sa lupa ang pagkakatayo. Kailangan nilang umakyat sa hagdan na ang barandilya ay gawa sa kahoy, sa itaas nang hagdan ay may maliit na terasa bago ang pinto. Nagka tinginan sila habang nasa balikat pa din niya ang isang braso nito at sa kabila ay may hawak na payong. " I like it. How about you?" "Ang bahay namin sa probinsiya pati na ng aming mga kapit bahay parang ganito lang din ang tirahan." Komento niya na mahina naman natawa si Thiago. Inalalayan siya nitong umakyat sa cottage. Pagpasok nila sa loob namangha siya kabuuan nang silid, napaka simple nito sa labas pero lahat nang pangunahin na gamit sa loob nang kubo ay napakaganda. Lalo na ang kama na nasa gitna nang silid. Parang napaka lambot nito at ang sarap higaan. " You can start to study, Maria. Sa terrace lang ako." Sabi ni Thiago na lumapit sa mini ref at kumuha nang mga beer in cans. Samantalang dahan dahan siyang lumapit sa pabilog na mesa na nanduon. Ibinaba niya ang kanyang bag sa upuan at kinuha ang kanyang notes na kailangan niyang pag aralan. Makapag aral kaya siya? Sa kaalaman na nasa malapit lang si Thiago ay parang hindi gumagana ang utak niya. Gumana man pero iba ang pilit na pumasok sa isip niya. She and Thiago in this romantic place...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD