Chapter 7

1116 Words
" Ella, hindi mo na kailangan na gawin ang mga iyan." Sansala sa kanya ni Senyora Ysa. " Okay lang po Ma'am. Wala naman po akong gagawin. Hayaan na po ninyo akong tumulong dito sa bahay. Hindi ko naman po pababayaan ang pag aaral ko." Nakangiti niyang sabi sa ginang na walang nagawa. Kaya ipinagpatuloy niya ang pag hiwa nang mga sangkap. " Komportable ka ba sa kwarto mo?" Tanong nito, agad siyang tumango. Kahit ang totoo ay pumapasok sa alaala niya ang eksena ni Thiago at ang modelong babae na iyon sa party. Doon kasi ang bakante kaya doon siya tumuloy. Mabuti na lang wala na ang bunkbed kundi napalitan iyon ng single bed. " Mabuti naman. I will leave everything to Lulay. Pupunta kami nang Spain ni Sib baka matagalan kami doon. Sana maging maayos ka dito. Finn will be here, mabait ang anak ko na iyon. Kung may kailangan ka magsabi ka sa kanya." Bilin nito kaya napatango na lang din siya at ngumiti. Bayad na ang buong semester niya kaya wala siyang problemahin pa. Mayroon din ibinigay sa kanyang ATM card para sa kanyang allowance. " Thank you po, Ma'am." Pasalamat niya, ngumiti ito bago sila talikuran. " Dalian na ninyo at malapit na ang hapunan." Biglang sulpot si Lulay ang mayordoma nang mga Soler dito sa villa. Anak ito ni Loutes na ngayon ay kasa kasama na nang ina ni Senyor Sib. Magana naman siyang tumulong sa mga ito sa pagluluto. Isang linggo na siya dito at nakagaanan na din niya nang loob ang mga kasambahay dito.Laki nang pasasalamat niya, at ibinilin din siya nang kanyang ina kay Manang Gloria na labandera nang mga Soler. Kapitbahay nila ito sa La Union. " Ella, tikman mo ito kung okay na." Sabi ni Morena ang kusinera dito.Inabot niya ang kutsara na inabot nito na may sabaw. " Ang asim!" Sabi niya at ibinalik ang kutsara dito.Hindi maipinta ang kanyang mukha sa sobrang asim. " Ganitong asim ang gusto ni Sir Thiago." Sabi nito at pinatay na ang kalan. Bigla naman siyang natigilan pagkarinig sa pangalan nito. " Darating siya?" Tanong niya na agad sumala ang paghiwa niya sa kamatis. Mabuti hindi nahagip ang kanyang mga daliri. " Oo, pagkatapos nang isang buwan. Magpahinga iyon dito nang ilang araw.Tapos mawawala na naman." Pagdadaldal nito sa kaniya. Dahil sa kaalaman na darating si Thiago, binilisan niya ang ginagawa. " Ahm, Manang Morena. May tatapusin lang ako sa kwarto ko. Kailangan ko palang mag review may exam kami bukas." Sabi niya dito hindi pa ito nakakasagot tumalilis na siya. Habang binabaybay niya ang pathway sa kanilang servants quarter ay abot abot ang kanyang kaba. Nakahinga lang siya nang maayos nang makapasok siya sa kaniyang kwarto. Ang kwarto na ginawan ni Thiago nang milagro. Nahiga siya sa kama at agad na nahulog sa pag iisip.Kailangan niyang umiwas kay Thiago, dahil sa kabaitan nitong ipinakita sa kanya. Baka tuluyan siyang mahulog sa binata. Nakakahiya sa mga magulang nito. " Ella, you should know where to stand. Tama nang ang pangarap mo ay makasakay nang eroplano. Makapunta sa iba't ibang bansa. Wag mo nang isama sa pangarap mo si Thiago." Kausap niya sa sarili at pumikit. Hanggang tuluyang siyang makatulog. Nagising lang siya sa kalam nang kanyang sikmura. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tinggnan kung anong oras na. " Tsk. Alas onse na!" Bumangon siya sinuklay lang niya ang buhok at lumabas na sa kanyang quarter. Sigurado naman na walang tao siyang makikita. Nag tuloy siya sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator para sa mga katulong. " Ito na lang." Mahina niyang sabi at kinuha ang tupperware na may laman na macaroni salad. Naglagay siya sa plato at saka kumuha nang malamig na tubig. Dinala niya ang kanyang pagkain at lumabas sa garden. Kasama na din ang kanyang pagpapahangin. Mahimbing na siguro natutulog ang mga tao sa bahay, kaya magana siyang kumain. Hanggang may maupo sa kanyang harapan na laki niyang gulat. " Sir Thiago?" Gulat niyang sabi sa binata na nakatingin sa kanya. Matiim ang titig nito sa kanyang mukha. " So it's really you, Maria. Akala ko dinadaya lang ako nang aking paningin." " Hello, Sir. Long time no see." Sabi niya at alanganin itong nginitian. " Why are you here, Maria?" Tanong nito sa kanya na wala pa ding mga ngiti sa labi. " I, i ..." Hindi niya alam kung paano sasabihin dito kung bakit siya nasa poder nang pamilya nito ngayon. " Don't tell me, pumasok kang housemaid dito?" Ito na ang nagtuloy na sa palagay nito ay hindi niya masabi. " Parang ganun na nga." Sabi na lang niya at muling tumungo. Ipinagpatuloy niya ang pagkain, upang maka iwas sa mga titig nito. " Walang masama kung mag trabaho ka dito bilang kasambahay. But don't give up your dream of finishing your studies." Hindi siya nagsalita, she really feels intimidated. Nakakaramdam siya nang panliliit sa sarili. Hindi niya tuloy alam kung tama na pumayag siyang paaralin nang mga magulang nito. " It's not your fault, you were born poor. Pero kung wala kang gagawin para maiba ang buhay mo and be poor for the rest of your life. Kasalanan mo na iyon." Napatingin siya dahil sa sinabi nito. At kinunutan ito nang noo. " Hindi ako habang buhay na magiging katulong kung iyan ang nais mong sabihin. Tutuparin ko ang pangarap ko at walang makakapigil sa akin!" Madiin niyang sabi dito, noon naman sumilay ang ngiti nito sa labi. Pinigilan niya ang mapa singhap. He is really blessed in every way. Damn this world! It's so unfair! " That's good. I'm looking forward to work with you Maria." Tumango siya pero sa kanyang loob wag naman sana. Being near this man is not good for her. " Kausapin ko parents ko na luwagan ang responsibility mo dito para mapag sabay mo ang pag aaral mo." " Hindi na kailangan, Sir Thiago." Tanggi niya, kaya kumunot ang noo nito. " Akala ko ba..." " Nag aaral na ako, habang nag tatrabaho dito." Putol niya sa sasabihin nito, lumiwanag ang mukha nito sa kanyang sinabi. " That's good!I'm happy to hear that Maria." Kumislap ang mga mata nito at halatang masaya sa sitwasyon niya ngayon. " Salamat Sir Thiago. I really appreciate your being friendly to me." Sabi niya tumingin si Thiago sa kanya at hindi niya maipaliwanag ang ibig sabihin nang mga tingin nito. " Yeah right. We're friends." Maya maya ay sabi nito at nagpa alam na sa kanya upang magpahinga. Naiwan siya at tumingala sa mabituin na langit. " Your like that Thiago! Hanggang tingin ko na lang at hindi ko mahahawakan kailanman!" Malungkot niyang sabi habang nakatingala sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD