" Hello, Bianca. Pupunta ka ba sa party?" Agad niyang tanong kay Bianca. Gusto niyang sorpresahin si Thiago. Ang alam nito hindi siya makaka attend dahil nasa Hong Kong pa siya. Hindi nito alam na napa aga ang kaniyang balik sa Pilipinas. " Oo, pinasundo ako ni Finn. Gusto mo ba sabay na tayo?" Tanong nito, kaya agad siyang napangiti. "'Daanan mo ako sa condo, kadarating ko lang." Masaya niyang sabi at mabilis na nag ayos nang sarili. Ilang araw na din niyang hindi nakikita si Thiago. Napangiti siya nang makita ang repleksiyon niya sa salamin. Ang suot niya ay binili ni Thiago sa Japan. Para talaga sana iyon sa party nang Lola nito. It's simple yet elegant. Knee-length skirts and tailored button-down shirts are made from high-quality fabrics. Agad niyang dinampot ang cellphone na

