MARCO Polo been looking for Dra. Monaliza Naqui. Oo, imbes na dumiretso siya ng uwi para makapagpahinga at makasama ang anak niya na siyang nag-iisang stress reliever niya, ang ospital ang tinahak ng mga manibela niya. At imbes na dumiretso na muna siya sa k'warto ng asawang si Kate ay heto siya, hinahanpan ang doktora ng huli sa hindi naman malinaw na rason sa kaniya. "Nasa cafeteria si Dra. Naqui, Mr. Sandoval," kaagad na turan sa kaniya ni Nurse Ever nang makasalubong niya 'to sa pasilyo papunta sa doctor's room. Tila alam na kaagad nito kung sino ang pakay niya sa pupuntahan na k'warto. "Ah, okay," simpleng sagot niya. Bago siya makatalikod ay hinawakan siya nito sa braso at pinigil. "Ayaw ni Dra. Naqui na nilalapitan siya sa cafeteria, unless kasama ka na niyang magpunta ro'n o m

