6: WORTH IT?

2033 Words
NAPAKAGANDA ng traje de boda niya. Ikaw ba naman ang mapangasawa ng isang Marco Polo Sandoval, na ang lahat naman ay kayang bilhin ng yaman. Hindi na dapat na banggitin kung magkano ang wedding gown na 'yon, kahit sino naman, kahit ang hindi expert sa pagtingin ng mga gano'ng klaseng gown ay malalaman kaagad na pricey 'yon base sa modernong estilo at palamuti niyon. Idagdag pa ang mga alahas na tinerno ro'n. Mga kumikinang kaya hindi na mahirap hulaan na kumikinang din talaga ang presyo ng mga 'yon. Ilang ikot pa ang ginawa ni Kate sa harap ng salamin upang purihin ang kaniyang sarili bago niya napagpasyahan na kunin ang phone niya to check emails, messages at status ng mga taong mga kunwaring malapit, katrabaho, empleyado nila, at s'yempre ng mga taong malapit namang tunay sa kaniya dahil mayamaya lang ay hindi na niya 'yon maaaring dalhin sa simbahan. Oh, dapat niyang idagdag na pati ang status ng isang taong hinihintay niyang magparamdam hanggang sa mga huling sandaling 'yon ay itse-tsek niya... Mona, bakit nag-MIA ka na talaga for real? Because seriously, kung magpaparamdam lang 'to ngayon ay kaya niyang isuko ang kasal na 'yon. Kaya niyang huwag ituloy 'yon dahil tanggap naman niya sa sarili niyang pakakasalan lamang siya ni Marco Polo dahil pananagutan siya nito. Oo, nagbunga ang isang beses nilang kapusukan. Mahirap paniwalaan pero heto na at nangyari na. Kahit siya ay nabilisan sa lahat. Natigilan siyang umupo. Tinitigan niya ulit ang sariling repleksyon sa harap ng salamin partikular ang kaniyang mukha. Nagniningning ang mga mata niya. Kung may magtatanong sa kaniya ngayon kung masaya ba siya sa maaaring maganap sa pagitan nila ni Marco Polo, isang tumataginting na oo ang sagot niya. Kahit sabihin pa ba na mali 'to. Na mali ang nangyari, ang mangyayari, na sa mali nagsimula ang lahat sa kanila. She sighed. Saka siyang napayukong hinagod ng tingin ang kaniyang kabuuan. Hindi niya 'to plinano, alam 'yon ng Diyos. Kaya hindi siya dapat na makaramdam ng guilt ngayon. Hindi dapat sa lahat ba naman ng araw ay bakit ngayon pa. Alam niya naman sa sarili niyang gusto niya rin ang mangyayaring 'to dahil hindi naman gano'n kadaling mag-prepare ng kasal. Lalo at ang kasalan na magaganap ay mula sa bigatin na mga Sandoval. Narito na 'to, besides, hindi papayag ang daddy niyang si Karlos Olivarez na hindi matuloy ang kasal na 'yon ngayon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga pagtatanong ng daddy niya sa kaniya na kung itutuloy ba nila ang kasal na 'to. Na kung sa tingin daw ba niya ay worth it 'to. Of course, gets naman niya kung bakit gano'n na lang 'to kung magtanong. Napangiti siyang inaalala ang araw na 'yon, ang araw na sinabi nila rito ang kanilang relasyon pero wala siyang narinig na kung ano o ano man sumbat mula sa mga magulang kahit pa nga ba alam naman ng mga 'to kung kanino talaga nakikipagmabutihan si Marco Polo. No judgment, just love. That's her parents. Gano'n sila magmahal at sa tingin niya, dahil do'n ay sila na ang best parents sa buong mundo. Ah, kinakalma niya lamang ang sarili niya. Kinakalma niya lang ang sarili niya dahil hayun na ang mga tanong na hindi masabi ng kaniyang ama, nasa isipan na niya at pilit na sumisiksik sa araw na 'to... Worth it bang pakasalan ang isang Marco Polo Sandoval? Of course he is worth it. Hindi lang isang babae ang magsasabi at nagsasabi sa kaniya ngayon na napakasuwerte niya na pakakasalanan siya't mapapangasawa ng isang Marco Polo Sandoval. Worth it ba ang sakit sa dibdib na nararamdaman niya ngayon para sa lalaking pakakasalan dahil kumakabog 'yon sa kaba? Of course, alam naman kasi niyang hindi siya pababayaan na masaktan nito. In fact, hindi niya nga naramdaman na hindi siya nito mahal sa mga araw na magkasama sila. Hindi pinaramdam sa kaniya ni Marco Polo kahit kailan na ang babaeng mahal na mahal nito ay si Monaliza. Worth ba ang kasal na 'yon sa friendship nila ni Monaliza na halos wala nang tumibag pa magmula nang magkakilala sila? There, nasabi na niya ang mga katanungan na hindi kayang ibulalas ng kaniya ama. There, nakarating na siya sa huling tanong na alam naman niya ang sagot pero pipiliin pa rin niyang hindi na lamang sagutin. Tumikhim siya, dapat na niyang itigil na ang pag-iisip ng mga kung ano-ano. Wala na si Monaliza rito. Sinabi man nito na babalik 'to, wala naman kasiguraduhan 'yon although, kilala niya 'to na makakamit ang mga nais, ano ang katiyakan nila na aabutan pa siya nitong buhay? 'Yon na lamang ang panghahawakan niya. Na baka sakaling pagbalik nito ay patay na siya dahil hanggang edad trenta lang naman ang taning sa kaniya ng mga duktor at ang mga panahon na 'yon ay lilipas na naroon pa rin si Monaliza sa ibang bansa at nag-aaral ng medisina dahil hindi naman gano'n kadali na pag-aralan 'yon at hindi 'yon basta-basta. Tama. 'Yon na lamang ang mas mainam niyang isipin kaysa ang kung ano-ano pang hindi naman mahalaga na tanong kung kailan hayun na nga at fit na fit sa kaniya ang traje de boda na suot niya. Fit na fit at talagang para 'yon sa kaniya. "You're so pretty today, Katherine Kate," bulong niya sa sarili pagkuwan. Dahil tulad ng ibang mga babae ay nangarap din naman siya ng isang pamilyang kaniyang mabubuo. Dangan lang at itinigil niya ang pangarap na 'yon nang dahil sa kaniyang sakit dahil isa sa masidhi niyang pangarap ay pagkakatoon ng anak. Yes, pamilya, anak. At kung sa ganitong paraan niya 'yon makukuha at mararanasan, maybe sa future, masasabi niyang all of this are all worth it. Pinagmasdan niya ang engagement ring na nasa kaniyang palasingsingan. Saka siya pagak na natawa... Wala na rin yatang nagawa na sumang-ayon na lamang si Marco Polo sa magaganap. Kumbaga 'ika nga e, kasubuan na. Kahiyaan nang hindi matuloy dahil nahuli sila ng daddy at mommy niya na nagme-make out sa office niya. Matamis siyang napangiti sa alaala. Kung bakit ang bawat pagkiskisan ng kanilang mga balat ay katumbas ay pag-iinit nila sa isa't-isa, hindi niya alam. Tila sila mga hayok na hayup sa tuwing nagkikita, nagsasama at nagkakadikit na kaunting dikit lang sa bawat isa ay s'x na ang hantong kahit nasaan pa ba silang lugar. Oo, gano'n sila ka-wild ng mapapangasawa niya. Nagsimula sa balcony ng office niya, sa elevator ng office building niya hanggang sa office na niya mismo, nagawa nilang mag-s'x. Bawat sulok ng office niya pa nga e. Oh, those moments are really can be treasured. Kahit ni sa hinagap ay hindi niya naman talaga naisaksak sa kukote niya na mangyayari 'yon. Na kaya pala niyang maging wild... Hindi niya kailan man naisip na si Marco Polo lang pala ang makakapagpakumpleto sa kaniya. Ang magpaparamdam sa kaniya na isa rin siyang ordinaryong babaeng may karapatan na makaramdam ng mga gano'n sa isang opposite s*x. "Kate? Can I come in?" Mahihinang katok sa pinto ang nagpatinag sa malayo nang nilakbay ng kaniyang diwa. "S—Sure," tila nahimasmasan naman niyang tugon. Si Mincy 'yon na isa sa mga abay sa kaniyang kasal. Nang iluwa 'to ng pinto ay patili 'tong lumapit at niyakap siya. "OEMGEE! Ang ganda mo today, Kate!" Pagak siyang natawa. "Salamat." Inikutan siya ng kaibigan at mangha na sinipat siya nito. "Grabe! Blooming ka! Saka waaah! 'Ganda ng traje de boda, inadya sa 'yo!" muling puri nito sa excited na tono. "Loka, 'yon ay dahil sa akin naman 'to talaga 'no! Pinagawa 'to, pinatahi sa sukat ko!" tatawa-tawang biro niya naman dito. Natigilan sila pagkatapos ng kanilang matinis na hagikgikan. Saka mahigpit na nayakap nila ang isa't-isa. "I'm happy and proud of you, Kate." "Hmn, talaga ba?" tugon niya sa habang nasa balikat siya ng kaibigan. She must be thankful dahil nang mawala si Monaliza ay narito si Mincy sa tabi niya, nakasuporta, parati siyang sinasamahan at pinakikinggan. Siya kasi ang taong hindi mabubuhay nang walang sinasandalan na kaibigan dahil sa kaniyang sakit na any minute by now ay naiisip niyang tatapos sa mga maliligayang araw niya sa mundo kaya kailangan niya ng masasabihan sa lahat para kung sakali na biglang maglaho siya sa mundo ay magsasabi sa mga magulang niya kung gaano niya kamahal ang mga 'to. And how she hated Monaliza by knowing that but then, she chose to flew away. Kahit sabihin pa na pangarap nito 'yon. Maaari naman 'tong mangarap habang nasa tabi niya ah. Pinili nitong sa malayo abutin 'yon dahil masyadong mataas ang pride nito para tanggapin ang alok ng dad niya na pampaaral. Masyadong mataas kung mangarap 'to. Masyado rin 'tong bilib sa sariling kakayahan— yeah, right, mga wala sa kaniya kaya hindi niya 'yon kailan man mauunawaan. They were total opposite, at kung may magpapaamin sa kaniya ngayon kung naiinggit ba siya sa tulad ni Monaliza, hinding-hindi siya aamin. Dahil noong nandito pa 'to, mas pipiliin niyang dumepende rito. Mas pipiliin niya maging burden siya rito to the point na wala 'tong magagawa kundi ang manatili sa kaniyang tabi. Kaso ay hindi rin naman 'yon ang nangyari. "Of course." Hinarap siya ni Mincy. "Hindi mo alam kung gaano ako ka-proud sa 'yo ngayon." "W—Wala pa ba siyang paramdam talaga?" paglihis niya sa pinag-uusapan nila. Tinitigan niya 'to. Umiling 'to. "Hindi mo na siya dapat na hinihintay." Iling din ang naging sagot niya. "The wedding can be fully done any minute by now, nasa social media ang tungkol do'n. Pinag-uusapan ng lahat dahil kilalang tao ang magkabilang partido, and yet, heto siya, talagang walang paramdam. Hindi ko maintindihan." Bumuntonghininga si Mincy. "Nauunawaan mo, hindi mo lang talaga iniintindi. Malaki ang pagkakaiba niyon kung susumahin," saka makahulugan nitong saad. "May parte ko na nanaisin naman na bigla na lang siyang sumulpot ngayon, to be honest." Dahil ito ang pinakamalaking mali na magagawa niya sa buhay niya. Mali na alam niyang makakapag-triggered kay Monaliza na bumalik na. "Kaso ay heto, wala na nga siyang pakialam." Mincy said sharply. She frozed. Nayakap niya ang sarili sa biglaang pagkahungkag na naramdaman. Empty, 'yon siya kung wala si Monaliza. 'Yon pa rin ang tamang term ngayon na wala 'to, and she even hated her more for that. "Hindi sa 'yo lang umiikot ang mundo niya, Kate. Dapat mo 'yong isapuso at isaisip." "G—Gusto ko lang naman na humanap ng validation na okay siya. Na sana ay ayos lang siya kung saan man siya naroon. Kahit paano..." "Ayos lang 'yon. 'Yon pa ba? Sobrang strong ng taong 'yon. At ito, itong kasal na 'to? Para lang 'tong kagat ng langgam sa kaniya, ako na ang nagsasabi sa 'yo ngayon. Hindi ito lang ang makakatibag sa tibay at tatag ng pundasyon ni Mona na inilagay niya sa kaniyang sarili. Kaya Kate, huwag mo na siyang isipin. Kung wala na, we should accept it. Kung ayaw na niyang magparamdam, then, be it." "Pero hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya." "Pero ito na nga rin ang ginawa at ginagawa na niya." Natameme siya sa pinupunto nito. "Kate, balewala na kayo sa kaniya. Balewala ka na sa kaniya. Well, at least, siguro for now? Pero kasi, imposibleng hindi niya 'to alam. Ang magduduktor ay palagian din na nakatutok sa internet!" Tinalikuran niya 'to. lihim niyang pasimpleng pinahid ang mga luha na nagbabadya na sa kaniyang mga mata. "S—Sige na, iwan mo na muna ako, Mincy. Mag-aayos pa 'ko sandali at—" naputol ang mga dapat na sasabihin niya nang hilahin siya paharap ullit ng kaibigan. She looked at her intently. Their eyes met. Eye to eye, she said, "You will be okay, Kate. Believe me, ang lahat ng 'to ay para sa 'yo, hindi mo siya dapat nang intindihin at hanapin. Hindi ikaw ang sumira sa friendship niyo o sisira niyon. At kung happiness mo talaga ang concern niya, then she will gladly accept this. She would accept in the future na hinding-hindi na magiging kaniya si Marco Polo Sandoval." Nginitian niya 'to. Nais niya sanang sumagot na hindi 'yon gano'n kadali pero pinasya niyang huwag na lamang magsalita. Because in the deep part of her fragile heart, baka tama naman 'to sa mga sinasabi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD