MINSAN, hindi sa lahat ng pagkakataon ay masama ang magialam at makitsismis. May mga pangyayari kasi na katulad ngayon, nang dahil sa pangingialam ni Ever sa inatakeng customer sa isa sa mga mesa na naroon, heto, kaharap na niya tuloy ang owner ng bakeshop na Kate's.
Yes, si Kate na nga 'to, mismo.
Matapos kasi ang komosyon kanina at ang matagumpay na pagbibigay niya ng first aid sa bata, lumabas ang owner ng bakeshop na 'yon na si Kate, na given naman at ito nga ang owner. And then, heto na sila, magkaharap sa isang mesa at parehong nagkakape. Tapos na silang magpakilala sa isa't-isa. Nagkausap na rin sila tungkol sa mga basic na dapat namang pinag-uusapan ng mga bagong magkakilala.
Pretty si Katherine Kate Olivarez. Maputi, mataas, straight ang tindig kahit nakaupo, slim and sexy. Maganda na 'to sa mga litrato nito sa social media pero iba pa rin sa personal. Ang ngipin, flawless. Tsinita, matangos ang ilong. Isa 'to sa masasabi niyang babae na wala kang maipipintas ultimo ang pananamit at kilos with class. Halatang anak mayaman. Buti na nga lang at hindi baluktot managalog. Kilala kasi ang pamilya nito sa simpleng lifestyle kahit pa ba mayayaman. Kilala rin ang tatay nito na kaibigan ng mga politikong nakitaan namab talaga ng pagmamahal sa bayan noong araw kaya rin siguro gano'n na lamang kung mahalin ng pamilya nito ang sariling bansa.
"Imagine, akala ko talaga ay hindi ko na makakayanan ang atake na 'yon," pagpapatuloy ni Kate sa pagkuk'wento tungkol sa nangyari rito noon na atake.
She said she's born with congenital heart disease. Isa 'yong sakit na wala nang lunas, heart transplant lang. Na jusko naman, alam naman ng lahat na hindi mo makukuha sa isang pitik lang kahit pa nga ba may pera ka. Although, money can extend your life, legit. Sa tagal na niyang nanunungkulan sa iba't-ibang ospital, proven and tested na niya 'yon.
"Nakakatakot talaga ang mga gano'ng pangyayari. Nakakatakot din para sa 'yo ang nabanggit mo na buntis ka," komento niya bago niya inumin ang iced coffee na inalok nito sa kaniya as thank you na sa pagligtas niya sa bata na customer nito.
Bumuntinghininga 'to. "Pero sa buhay ay kailangan nating mag-risk," anito. Nasa tono ang determinasyon.
"Hmn, may point ka naman. Life is risky, anyway. Araw-araw tayong nagri-risk kung susumahin. Katulad na lang kanina, akalain ba ng mga magulang ng bata na sa simpleng pagkain sa labas, na masaya sila, and then, all of a sudden ay sa ospital na pala sila next na pupunta."
"Risky na ang buhay ng mga tulad ko magmula pa nang isilang kami sa mundong 'to."
Sabay silang pagak natawa pagkatapos na parehong titigan sandali ang isa't-isa. Dahil well, on point naman ang sinabi nito kasi.
"Pero bilang nagtatrabaho sa ospital, isa lang ang masasabi ko sa 'yo, Kate, kung kaya na i-prevent ay sana naman gawin natin ang lahat. Iba pa rin 'yong nag-iingay tayo."
"Salamat, Ever," tipid nitong tugon saka tipid na rin na ngumiti. "Ano ba naman 'to, kabago-bago natin na magkakilala ay naikuwento ko na ang sakit ko sa 'yo."
"Wala 'yon. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mas malalang sakit pa nga r'yan ang na-e-encounter ko sa ospital," aniya sa pabirong tono. "Saka sabi nga nila, mas nakakapaglabas ng mga saloobin ang isang tao sa taong estranghero pa sa kaniya kaysa sa matagal na niyang kakilala."
"No, siguro ay nagkataon lang na wala kasi rito ang taong pinakamalapit sa 'kin. Sa kaniya ko nailalabas ang lahat. Saka, nagkataon lang siguro rin na magaan ang loob ko sa 'yo na madalang kong maramdaman sa ibang tao. You know, iniwasan ko rin kasi ang makipagkaibigan dahil sa kondisyon ko at dahil na rin mayroon naman na 'ko niyon," mahabang paliwanag ni Kate sa kaniya.
Actually, 'yon ang hinihintay niya pero ngayon na nagbanggit na 'to ng tungkol do'n ay hindi naman niya malaman kung paano 'to makakausap about it. He can't be that too eager to ask her some question at baka mahalata nito na interesado siya ro'n. Na hindi dapat at kababago pa lamang nilang magkakilala.
Nginitian niya 'to. Sinabi nito na magaan ang loob sa kaniya, he should be thankful for that.
"Thanks, siguro kaya magaan ang loob mo sa 'kin dahil sa 'yon ay constant customers na 'ko rito sa bakeshop mo," biro niya, kinatawa naman nito 'yon.
"Maybe."
Nagtawanan ulit sila.
"May I ask, what do you mean by wala na siya?" tanong niyang hindi nakatiis, kunwari na lang ay umarte siyang balewala ang tinatanong. Na kunwari ay tinanong lang niya 'yon para may mapag-usapan silang dalawa dahil mukhang wala namang plano na bumalik sa office 'to nito.
"S—She went abroad."
"Oh, naku, masyado akong mausisa, sorry ah. Mukhang ang sakit pa naman sa 'yo na umalis siya." Halata naman kasi sa itsura nito.
"No, that's okay. Actually, ilang buwan na rin naman. But of course, masakit. Para ko na siyang kapatid e."
Natigilan siya. Dama niya kasi na mukhang tinawid na rin ni Kate ang linya ng memory. Mukha ring sobra 'tong nasasaktan considering na sabi nga nito ay ilang buwan na rin ang lumipas. He knows the feeling. 'Yong mawalan ka ng kapatid at kaibigan kaya somehow ay relate siya.
Nilaro nito ang straw ng iniinom na iced coffee. "Siguro nga ay masama akong kaibigan, alam mo ba na pinakasalan ko ang boyfriend niya." Marahan 'tong natawa. "Wala e, kasubuan na."
"Siya ang tatay niyan?" Nguso niya sa t'yan nito. Nakuwento na rin kasi naman nito na buntis nga 'to. Na kung wala nga raw siya kanina ro'n ay baka mas nauna pa raw 'tong madala sa ospital kaysa sa bata na inatake dahil na-trigger nga naman ang takot nito sa sariling sakit dahil sa nangyari.
"Uh—huh," tugon nito, "ang bad ko 'no? Pero kasi bigla na lang na nangyari."
"Kung ibabase ko sa reaksyon mo ngayon, sobra kang nasasaktan 'girl, so, ang bad mo nga. Hindi ka naman masasaktan ng ganyan kung alam mong okay lang ang nagawa mo. Of course, kaya mas masakit sa part mo until now, dahil alam mong hindi okay at lagot ka sa kaniya pagbalik niya."
Sa gulat niya ay medyo lumakas ang tawa nito. Pero ang sexy tumawa pa rin. Parang pati ang tawa ay hindi mo makukuha sa gilid lang kahit pa nga ba halata namang fake dahil hindi gano'n ang tawa ng taong masaya. Sa lahat naman ng tawa na fake, ito ang naluha talaga na animo masaya sa sinabi niya.
Well, puwede naman niyang isipin na napataaa niya lang talaga.
"I like you, Ever. Pinagaan mo ang loob ko kahit saglit."
He shrugged his shoulders. "Well, ang purpose naman yata namin sa mundo ay ang magpasaya ng tao." tukoy niya sa s*xual reference.
"Sira!"
Malapad siyang ngumiti. No doubt, gusto niya naman talaga ang personality ng kaharap.
"Hayaan mo, hindi pa 'to ang huli nating pagkikita."
"Naman! Suki ka ng bakeshop ko e."
He rolled his eyeballs. "Sana lang nga next time ay may discount na 'ko!" biro niya na kinatawa na naman nito.
"Noted."
"Gaga, biro lang!" Sinulyapan niya ang relo niya na nasa kaniyang bisig, "Anyway, mauuna na 'ko, Kate. Mahaba pa ang lakbayin ko for today." Nag-ayos na siya ng gamit, paghahanda sa pagtayo.
"Sige. Sa uulitin na lang," sabi nito.
He hugged her. Tinapik niya rin 'to sa balikat. Saka niya kinuha at pinisil ang isang palad nito. "Hayaan mo na 'yon, I mean, for sure ay mauunawaan naman niya ang rason mo. Kung ako nga ay gets ko, kayo pa ba naman na matagal nang magkakilala at friends. You know, may mga bagay o pangyayari na eventually ay matatanggap na lang natin dahil mare-realize naman natin na 'yon ang itinakda ng tadhana at wala na tayong magagawa upang maawat pa 'yon sa ayaw pa ba natin o gusto."
"Sana nga, Ever. Sana lang talaga."