GUILTY. Hindi akalain ni Marco Polo na 'yon ang mararamdaman niya nang sambitin niya kay Monaliza ang katagang 'yon na kung tutuusin ay hindi na naman niya sinasadya. Yeah, bugso lang talaga ng inis niya kaya niya 'yon nasabi. Alright, yes, naiinis siya sa tuwing nag-uusap sila ni Monaliza, 'yon ang totoo. Sighing, he walk towards his room. Sa pagkakatanda niya ay may alak pa naman siya sa mini fridge niya sa kaniyang k'warto, hindi na niya kailangan na bumaba para kumuha ng alak. Mainam na rin na pumasok na siya sa k'warto niya nang matawagan niya ang numero ng anak o nang matawagan niya si Gift Pauline sa landline sa ibaba ng bahay para sabihin dito na hindi na siya kakain. Ibibilin niya na rin na matulog na 'to sa takdang oras na itinakda ni Kate na oras ng tulog nito. Plano na

