CHAPTER 3

1059 Words
"Okay fine. Ayoko lang kasing may kausap kang iba kapag nakikita ko. Masakit sa mata," anito at ngumuso. "At dito." Sabay turo sa dibdib. "Hera, stop this nonsense okay? You." Turo niya sa babae. "And me." Turo niya sa sarili. "Will never hit the card. So stop chasing me," aniya na gusto na niyang tuktukan ang ulo nito. Napakakulit eh! "Ayoko," sagot nito at sumimangot. "Mahal kasi kita Zic. Bigyan mo naman ako ng chance," sabi pa ng dalaga. Napahilot siya sa batok, hindi na niya alam ang sasabihin niya para lang tantanan siya nito. "I don't know what to do with you anymore! Damn brat!" Inis niyang sabi sa kaharap. "Do me." Atsaka pa kumindat, nanlaki ang mata niya. "Hera!" angil ng binata at tinalikuran ito. "Do love me, Zic." Tila nagmamakaawa ang boses nito, nilingon niya ito. "I simply can't. Hindi kita gusto," aniya, wala na siyang pakialam kahit masaktan pa niya ito. Muli siyang tumalikod at naglakad papuntang loob ng mansion, nasisira ang gabi niya dahil kay Hera. Gustong gusto na niyang sipa'in ito palabas ng kanilang solar. For sure mike, greg and harry were enjoying themselves with pretty girls. Bulong kanyang isipan. Tsaka siya napapalatak. Sulit na ang gabi ng mga kaibigan niya, pero heto siya at hindi alam paano takasan si Hera. ________________________________ ______________________ "Oh bakit ganyan ang mukha mo? " usisa ni Lexie sa kanya habang nasa food court sila sa isang mall. Nangalumbaba siya at tumingin sa kawalan. "Ayaw niya talaga sakin," pagmamaktol niya habang nalulungkot. "Ngayon mo lang ba na-realized?" Ani lexie na tinaasan siya ng kilay. Napanguso siya at gusto ng umiyak. "Matagal na. Kaso alam ko magkakagusto rin siya sa'kin. Pero mali pala ako." "Suko na." -Lexie Umiling siya ng sunod-sunod. "What Hera wants, Hera gets. By hook or by crook," matigas niyang sabi habang naniningkit ang mga mata. "Any plan?" "Yah. My last card," aniya na ngumiti ng nakakaloko. "Hoy ano yan? Mukhang hindi ko alam ang card-card na yan ah," Sita ni Lexie. "Sshh secret muna, malalaman mo din," aniya na ngumisi. Yes, kapag pagkatapos ng isang buwan at di pa rin siya pansin ni Z, ilalabas na niya ang huling alas. ______________________________________ _____________________________ "I saw you last night." Napatingin si Z sa pinsang si Cassidy nang umagang nagkakape siya sa hardin. Tila kakagising lamang din nito, dahil may tangan ng isang tasang kape ang dalaga. "Ano naman nakita mo?" Naglakad ito palapit sa kinaroroonan niya at tumayo si Cassidy sa harap niya. "May tinataguan kang babae. Tapos noong ma-corner ka niya, para kang tuta na hindi mapakali," pang aasar pa nito sa kanya. Inirapan niya ang pinsan. Alam niyang si Hera ang tinutukoy nito. "Hindi ko siya tinataguan, iniiwasan ko siya. Magkaiba iyon. Kung alam mo lang gaano kakulit ang isang iyon," aniya habang napapasimangot. Natawa si Cassidy. "What's funny? Parehas kayong spoiled brat nun. Isipin gaano ka-toxic ang ugali mo, ganoon si Hera." Muli na namang tumawa ang pinsan na tila wala man dito ang kanyang mga sinabi. "So, Hera pala ang pangalan niya. It suits her face, anyway." Hindi niya ito sinagot at sumimsim na lamang ng kape sa tasa niya. "Sasama ka ba sa Hacienda Amor?" Bigla ay sabi tanong ni Cassy sa kanya. Bigla ay naalala niya, tuwing lingo ay kailangan nilang umuwi roon para sa kanilang Lola. Matatagpuan ang Hacienda sa bulacan, nasa Hacienda Amor ang ancestral home nilang mga La Gresa. Ang nakatira roon sa ngayon ay ang kanyang Lola Amor at ang iba nilang pinsan. "Sunday na pala bukas," wala sa sariling naisabulong niya. "Yes, cousin. Sunday na bukas. So, sasama ka nga? Nag-isip siya. Bakit hindi? Kung kayang doon na muna siya, para naman matakasan niya ang makulit na si Hera. "Oo sasama ako. Kung kayang pumunta na tayo roon, mamayang hapon?" Napasimangot si Cassy. "Hindi pwede." "Why?" "May lakad pa ako mamaya eh. Kung gusto mo ikaw na lang ang umalis at mauna na roon, tutal hindi ka nakapunta last sunday, right? Dahil mas inuna mo ang mga babae mo." He rolled his eyes. Napakatalas talaga ng dila nito. Kaya minsan e ang sarap i-tape. "Shut up. Marinig ka pa ni Daddy," awat niya rito. His Dad hates him for being a womanizer. Bagay na hindi niya maintindihan, he's just enjoying his life, at isa pa wala naman siyang inaaragabyadong babae, they know the real score. "Okay lang marinig niya. Hindi ka pa ba sanay kay Uncle?" Walang pakialam na sabi ni Cassy. Nang mangawit ay umupo sa kaibayong upuan. Hindi siya sumagot. Knowing her, kung kailan ito inaawat doon sumisige. "Oy may chika pala ako sa'yo." Nabigla siya sa sinabi ng pinsan. Pero mukhang maganda ang ichi-chika nito. "Maganda 'yung bagong maid ni Kuya Leon. Isinasama nga niya 'yun last sunday, baka kako bet mo lang?" Napangiwi siya. Abnormal talaga ang pinsan niya, hindi pa siya Atsay Killer noh. Pero hindi niya alam na may magandang katulong ang kapatid niya, since matagal-tagal na silang hindi nagkikita. Hindi rin nag-attend ng party ng mga magulang nila si Leon, mukhang abalang-abala sa buhay. "Seriously? Sorry cousin, but I'm not interested." "Baka kapag nakita mo 'yun, kainin mo 'yang sinabi mo Zic La Gresa, sinasabi ko sa'yo." Natawa lamang siya sa sinabi nito. "Ay, pero huwag mo na lang patusin 'yun. Baka mag-away pa kayo ni Kuya Leon." "Bakit naman kami mag-aaway nang dahil sa maid? Kaya ko rin naman kumuha ng kahit ilang maid," saad niya habang natatawa. "Ang ibig kong sabihin, iba ang tinginan ni Kuya Leon doon. Promise!" Itinaas pa ng pinsan ang kamay nang sabihin iyon. That's new. Hindi mahilig tumingin sa kung sinu-sinong babae si Leon, sobrang kabaligtaran niya ito. One woman man ito. "Imposible. Isang babae lang ata ang alam nun, si Ate Veniz lang," natatawa niyang sabi kay Cassy. Napaismid ito. "Veniz? Anong mapapala niya sa babaeng iyon? Ayaw na ayaw ko pa naman sa babaeng iyon. Actually, ayaw ko rin sa maid ni Kuya Leon kung sakali. Nakakairita." Lahat naman ata ayaw nito. Nakita niya paanong ma-frustrate si Cassy. Natawa siya, ganoon naman ito, parang tila laging galit sa mga tao sa paligid. Ang layo-layo talaga ng ugali nito sa kapatid na si Adella. Bigla itong tumayo at mataray siyang tinignan. "Maiwan na kita diyan. May mahalaga pa akong pupuntahan. Bye!" Hindi na siya nakapagsalita dahil agad-agad na siya nitong nilayasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD