CHAPTER 5

1047 Words
     AFTER ONE YEAR ________________________      "Finally! May paglilibangan ka rin na iba bukod sa paghahabol mo kay Zic, " ngising-ngising sabi ni Lexie sa kaibigang si Hera habang nasa harap sila ng kakabukas pa lamang na bake shop ng huli. Walang maisip na ibang business na itatayo si Hera kaya naisipan niyang magtayo ng isang may kalakihang bake shop, for those na hindi nakakaalam, she's into baking, she really love baking lalo na't may spare time siya.    "Hera's Sanctuary," bulong ni Hera habang nakatingin sa front ng kanyang bake shop. Hera's Sanctuary ang gusto niyang ipangalan doon, she couldn't help herself but to be proud. Sa wakas, she was able to do things she loves the most, bukod pa sa paghahabol kay Zic na hangang ngayon, kahit isang taon na ang lumipas e deadma pa rin siya.   "Baka rito na rin ako laging tumambay," sabi pa ni Lexie sa kanya. Hindi lang kasi simpleng bake shop iyon na puro take out lang. Para mas bongga e ginawa niya rin na parang coffee shop iyon na pwedeng tambayan ng mga tao.    Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan. "Hey, don't expect me to make libre libre you ha? Porket kaibigan kita. You need to pay me."   Napangiwi si Lexie nang marinig siyang magsalita, alam naman niyang inis na inis ito sa biglang pag-switch niya ng conyo a year ago. Pero wala itong magagawa dahil gustong gusto niya ang ganoong pananalita. Natutunan niya iyon sa kaibigan niyang conyo na nakasama niya sa iilang buwan nang magbakasyon sila sa Siargao.    "Alam mo, nakakairita niyang pagko-conyo mo. Galing ka lang ng Siargao pagbalik mo ganyan ka na. Tell me, nanuno ka ba roon ah? "   "Why? I love being conyo, friend. Tara na nga't make pasok na tayo at ng mapatikim ko sa'yo ang mga fruit tarts na ginawa ko. After this, we will going somewhere and make gala gala!" Energetic  niyang sabi sa kaibigan habang nagpapatiuna na siyang maglakad papasok ng kanyang bagong bukas na bake shop.    Marami rin ang bumibili dahil may pa-off sila at pa-free. Isa pa ang pwesto ng bake shop niya ay sa mas matao sila since nasa makati sila.     "So, anong balak mo bukas?" Bigla ay tanong ni Lexie sa kanya nang makaupo sila sa may bandang sulok.    Nangunot ang noo ni Hera dahil hindi niya agad naintindihan kung para saan ang tanong ng kaibigan. "Balak?"    Lexie rolled her eyes. "Saan pa ba? Birthday ni Zic bukas," paalala nito.    Biglang napunit sa malawak na ngiti ang mga labi ng dalaga. "Ano pa nga ba? We will going there and I'm gonna bake some cookies and cakes for him and me pa mismo ang mag-d-deliver nun sa mansion nila."    Lexie rolled her eyes again. "Kung bibigyan ka niya ng invitation. Baka nga pina-ban ka na nun sa kanila eh. Kulit kulit mo kasi, " pang aasar pa ng kaibigan niya sa kanya.   "Oh don't worry, friend. Hindi niya gagawin 'yon, and maybe kahit gawin niya pa iyon and make some tago tago from me, I will always find ways, " aniya at kumindat pa sa kaibigan. "Teka, what can you say about my cookies and tarts? Is it masarap?"    Tinikman ni Lexie ang mga inihain ng kanyang mga staff at pagkaraan ay nag-thumbs up pa sa kanya. "I would say, you're the best when it comes to this, Hera."   Nagustuhan niya ang sinabi ng kanyang kaibigan, alam naman niyang hindi bola iyon dahil alam niya sa sarili niya kung gaano siya kagaling mag-bake.   "Maiba ako Hera. May bigla lang akong naalala na sinabi mo noo, about your plan na tinatawag mong huling alas mo. What happened na?" Napamura si Lexie nang mapansin ang huling sinabi, "God! Nahahawa na yata ako sa'yo."    Ngumisi siya rito habang puno ang bibig ng kinakain. "About my plan kay Z? Well, hindi ko na muna itinuloy 'yon coz wala pa akong lakas ng loob back then. But now? Maybe I can make gawa gawa that plan if things don’t go the way I want them to..."    Natahimik na lamang si Lexie at napailing-iling. Ilang taon nang humaling na humaling si Hera kay Z at hangang ngayon ay wala pa rin pake ang huli sa kaibigan niya. Hindi talaga nito gusto ang brat s***h conyo s***h makulit niyang kaibigan.     Matapos nilang kumain sa kanyang bake shop at ayusin ang dapat ayusin doon ay napagpasyahan na nilang mamasyal at nang mapagod ay umuwi sa kani-kanilang uuwian. Pababa pa lamang siya sa kanyang kotse nang makita na sa terrace ang kanyang mga magulang. Tinignan niya ang wrist watch, alas sais na ng hapon at doon talaga ang tambayan ng dalawa. Simula kasi ang Kuya Harry na niya ang namahala sa kanilang kompanya e sa bahay na lamang ang mga magulang nila.    Well, Good for them. After many years of working e makakapagpahinga na ang Ama at Ina niya. "Hi Oldies!" bati niya sa dalawa nang makalapit at binigyan ang mga ito ng halik sa pisngi.    "Oh c'mon, don't call us oldies na para bang uugod ugod na kami," sawata ng kanyang Ina. In fairness, mas bata naman kasing tignan ito sa edad nito. Pero kahit ganoon pa man, she loves calling them oldies. Period!   "How's your bake shop, hija?" Usisa ng kanyang Ama nang makaupo siya sa upuang nasa harap ng mga 'to.   "It's cool Dad, because everything's okay. One time you make bisi-bisita doon para naman you can see my bake shop," aniya sa Ama.    "Ofcourse we will do that, ikaw pa ba?" nakangiting sabi ng kanyang Ama.     "Make sure na ipag-b-bake mo kami ng masarap na tarts and bread or cakes," hirit naman ng kanyang Ina na noong una ay tutol sa pagpapatayo niya ng Bake shop, dahil mas gusto nitong tumuon siya sa mas malalawak at malalaking business venture. Pero sa huli ay wala na itong nagawa ng magpilit siya na siyempre suportado ng kanyang Ama.    "Ofcourse! But by the way," aniya atsaka tumayo. "Akyat na muna ako. I wanna take shower na eh, nanlalagkit na my skin eh," maarte pa niyang sabi sa dalawa na tinawanan lamang siya sa way ng pagsasalita niya. Agad agad siyang nagtungo sa kanyang silid at naligo na, medyo pagod siya kaya tila namimigat ang mga talukap ng kanyang mga mata, mukhang maagang tulugan ang mangyayari mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD