NAPAPIKIT si Zic nang maramdamang pinalalalim ni Agatha ang halik na nagaganap sa pagitan nila nang mga sandaling iyon habang nasa loob sila ng kanyang kotse. Ka-flirt niya si Agatha noon pa man, tuwing nagkikita sila ay ganoon ang tagpo sa pagitan nila at mas higit pa room. Sa pagpikit ng kanyang mga mata, at handa nang gantihan ang mapupusok na halik ni Agatha, ay bigla namang naglaro sa kanyang isipan ang imahe ng maamong at nakangiting mukha ni Nisha. Dahil doon ay napatigil siya at bahagyang naitulak si Agatha. "What?" tila inis na turan ni Agatha na halatang nabitin. "We shouldn't do this," aniya na habol ang hininga. Nais niyang sampalin ang sarili kung bakit si Nisha ang naiisip niya. Halata sa mukha ni Agatha ang pagkalito at pagkabigla. "We've been doing this for a long time

