"MASAYA AKO at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon," ani Mr. Solomon kina Hera, Lexie at Zic nang nasa hapag kainan na. Magkatabi sina Nisha at Zic, kaharapan sina Lexie at Hera at nasa punong hapag ang mag-asawang Solomon. "Our pleasure, Mr. Solomon," si Zic ang sumagot na may pormal na ngiti si labi. "Masaya rin po kami na inimbitahan niyo po kami," sambot naman ni Lexie sa matandang lalaki. Siya ay tahimik lamang at nasa attention ang pagkain. Wala siyang panahong makipagplastikan sa ama ni Nisha. Kilalang niya ang kilatis ng mga ganoong lalaki, may mahihita ito sa kanila kaya may painvite-invite pa ng dinner. "Zic, mukhang sobra na kayong nagkakalapit ng aking anak," bigla ay sabi ni Mr. Solomon. "Pa," tila awat ni Nisha at nahihiya. "Why, Nisha? I'm just asking. Magkaibigan la

