"May bisita?" Usisa ng bagong dating na si Hera sa isa nilang kasambahay, may napansin kasi siyang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa labas. Galing kasi siya sa pag-j-jogging nang umagang iyon. "Ah opo Ma'am. Kaibigan po yata ni Sir Harry," sabi ng kanilang kasambahay bago siya lampasan. Nagliwanag ang mukha niya, baka si Zic?! Kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng mansion. Pero nang makarating sa sala, hindi niya nakita si Zic. "Hey lil'sis." Tumayo ang Kuya niya at lumapit sa kanya. Ganoon din ang ginawa ng lalaki. Inakbayan siya ng kanyang kapatid. "Hera, si Nicolo pala, kaibigan ko..." pakilala ng kanyang Kuya sa isang lalaking matangkad, moreno, makisig ang pangangatawan at maganda ang tindig, in short, gwapong lalaki at mukhang matalino. "Hi, I'm Nicolo Ca

