CHAPTER 75 BREAN’S POINT OF VIEW Yumuyugyog ang balikat niya sa pagtangis. Hindi siya nagsasalita ngunit nakikita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala at inis sa akin. Tumayo ako para siya ang uupo sa kinauupuan ko lalo pa't kanina pa niya ako parang gustong paalisin. Nang lumaon, mataray na ang kaniyang mukhang nakatingin sa akin. "Tapos na ang maliligayang araw mo. Alam ng lahat na ako ang girlfriend kaya ako ang magbabantay sa kaniya anuman ang mangyari. At ikaw? Manatili kang bakla o kaya lalaki sa paningin ng iba. Sisiguraduhin kong masisira ka sa pamilya ni Arwin at sila mismo ang magtataboy sa’yo. Kung hindi ka maitaboy, ilalayo nila si Arwin sa’yo. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yo, magdusa ka!" "Pero, Anne..." "Pero ano? Ikaw ang pinili?" "Hindi na mahalaga roto kung

