CHAPTER 99 BREAN’S POINT OF VIEW "Arwin, sabihin mo nga sa akin kung may nagawa ba akong kasalanan sa'yo? Noong hindi pa dumadating sa buhay mo si Breana, hindi ba ako naging mabuting girlfriend sa'yo? May naging problema ba tayo? Naging masama ba akong babae? Hindi ba tayo masaya noon?" humihikbi na si Anne. Nakita kong sa dami ng tanong ni Anne ay wala ni isang kayang sagutin ni Arwin. Naramdaman ko ang pag-ambon. Nanginginig ako. Sumisikip ang aking paghinga. Para akong natatalo na muli sa laban. "Ang masakit lang hindi ko magawang kalimutan ang mga ipinangako mo. Mga pangako mo noong tayo pa at wala ka pang Breana ." kinagat niya ang labi niya. "Sabi mo, pakakasalan mo ako, bubuo tayo ng pamilya. Gagawa tayo ng sarili nating team sa basketball. Mga batang pupuno sa ating pagsasama

