CHAPTER 116 BREANA’S POINT OF VIEW Lumapit na ang buong team para sa huli naming tira. Mas lalo akong nag-focus. Nag-dribble ako habang sinisipat ko ang layo ko sa ring. Tinatantiya ko kung gaano kalakas ang ibibigay ko. Mahirap tantiyahin dahil sa tingin ko, ibubuhos ko ang buong lakas ko para lang aabot ang bola sa ring. Ngayon ko lang mararanasan ang tumira sa ganito kalayo. Kailangan ko itong maipasok. Huminga ako ng malalim. Focus lang... at buong lakas kong pinakawalan ang bola. Pumaimbulog iyon at lahat nakaabang kung aabot ba iyon sa ring dahil sa layo ng lalakbayin nito. At sa isang iglap. Walang mintis. Hindi man ringless dahil medyo tumama sa ring ngunit swak. Ako lang ang ang napasuntok sa hangin. Ang mga ka-team ko, sabay sabay silang nag booo! Badtrip! Ipinasa ni Aldr

