Chapter 94 Breana's Point of View Hindi madaling magpatuloy sa buhay at magpakatatag pagkatapos malaman na lahat ng alaala ninyo ng taong mahal mo ay tuluyan nang naglaho sa kaniya. Yun bang ikaw na lang ang tanging nakakaalala sa lahat. Parang isang panaginip na ikaw na lang ang nakakaalam. Bumalik ang ilang alaala ni Arwin ngunit wala ako roon at alam kong hindi na ako sumasagi pa sa isipan niya. Napakasakit tanggapin na si Anne pa rin pala ang panalo sa huli. Ngunit alam kong walang ibang aayos sa sarili ko kundi ako lang. Kung patatalo ako at hindi ayusin ang sarili ko, buong buhay kong lalasapin ang pagiging talunan. Tanging pagiging palaban sa hamon ng buhay at pag-igihan ang paglalaro para mapabuti ko rin ang buhay ko ang tanging kinakapitan ko. Mula na rin naman mismo kay A

