Chapter 88 Arwin's Point of View "Anong kalokohan 'to?" hindi ko mapigilang galit kay Brent sa ginawa niyang pagsalo sa amin ng girlfriend kong si Anne. "Betsfriend tayo, hindi ba?" hindi niya sa akin iyon sinasabi, nakadiretso ang mga mata niya kay Anne. "Masama ba na makipagbonding ako sa bestfriend ko at sa ex niya? Ngayon Anne, magkuwentuhan tayo kung ano ba talaga ang nangyari. Ikuwento nating dalawa kung anong totoo at kung paano ka na niya noon ibinasura. Gusto kong marinig kung paano ka gumawa ng kuwento at magbaluktot ng katotohanan. May sinasabi ka pa sa kanya na transgender ako? b***h!" Tinignan ko si Anne. Nakita ko ang panginginig ng labi niya. Namumula. Pinagpapawisan. Dalawa kaming nakatingin ni Brent sa kaniya. Naghihintay ng kanyang isasagot. Tumingin ako kay Anne

